^

PSN Opinyon

Mainit na pulitika, malaganap na droga

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAINIT na mainit na ngayon ang pulitika sa bansa. Wala nang sinasayang na sandali ang mga ambisyosong traditional politician (trapo) sa pag-iikot sa lahat ng sulok ng Metro Manila at karatig na lalawigan upang muling makapambola. Milyun-milyon ang ginagastos ng partido sa kanilang political rally sa paghakot ng kanilang supporters. Kaya tulala ang mga baguhang pulitiko sa mga propaganda ng mga trapo dahil bukod sa wala silang datung na panapat sa gastos at ubod ng dami pa ang ipi­nagbabawal ng Comelec. Kaya ang pag-asa na lamang nila ay awa ng Panginoon. Di ba mga suki?

Ang matindi nito habang umiinit ang kampanyahan, naglulutangan naman sa dagat ang bloke-blokeng cocaine. Kaya malaki ang hinala ng aking mga kausap na pera sa droga ang gagamitin ng ilang pulitiko sa kanilang pangangampanya at pambili ng boto. Umaakma ito sa pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte na gumagalaw na ang narco politician kaya hindi matigil-tigil ang droga sa kabila ng walang humpay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) at Philippine National Police (PNP). Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino sa mga karagatan na ngayon inihahagis ng sindikato ang droga dahil bistado na ang kanilang modus sa pagdaan sa bakuran ng Bureau of Customs. Naging hanapbuhay naman ng ilang mangingisda ang pagsagip sa mga droga dahil malaking datung ito kapag maideliber sa sindikato.

Bilang patunay ay itong isinuko ng mangingisda na 40 kilos ng cocaine sa Siargao na nagkakahalaga ng P212 milyon.  Nauna pa rito noong February ay nakakumpiska ang PDEA ng 274 kilong shabu sa Tanza, Cavite na nagkakahalaga ng P1.9 bilyon na nasundan pa ito ng may 36 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P244.8 milyon sa Bgy. Paliparan 1, Dasmariñas. Malinaw na sa dagat na nga ipinadadaan ng sindikato ang shabu dahil mahigpit na ang BOC matapos malusutan ng 6.7 bilyong shabu na ipinaloob sa magnetic lifter. Kung may katotohanan ang paratang ni Aquino nararapat na kumilos ang Philippine Coast Guard at PNP Maritime Police sa pagbabantay sa karagatan.

Kailangan na ring kumilos si Department of Interior and Local Government sec. Eduardo Año sa paglantad ng mga pangalan ng narcolist ni Duterte. Dahil nga kung patuloy na nakatago lang ito sa baul ni Año tiyak na happy together pa rin ang mga trapong pulitiko sa kanilang koneksiyon sa sindikato ng droga. Ilantad mo na Secretary Año kung sinu-sino ang nakalista nang mahusgahan ng sambayanan. Di ba sir? Kasi nga sa ngayon umaabot na sa 165 na pulis ang namamatay at 575 pa ang sugatan sa pakikipagdigma nito sa droga. Kung libu-libo man sa ngayon ang napapatay sa mainit na pakikipagdigma sa droga, dapat lamang na putulan ng pakpak ang mga pulitiko na tinutukoy ni President Duterte.

Kung babatayan ko ang balita na ang mga local officials ng CamSur at PNP na nag-ooffer ng tig-isang kabang bigas sa bawat bloke ng droga na nasasagip sa dagat, tiyak na sisipagin ang mga mangingisda. Malaking tulong kasi ito sa kanilang pamilya kaysa naman sa mapunta sa kamay ng sindikato. Subalit kailangan ding mabigyan ng proteksiyon ang mga mangingisda na nagsusuko ng droga dahil baka sila naman ang balikan ng sindikato. Di ba mga suki? Iyan ang aking mamatyagan mga suki!

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with