Pumapalag ka pa, kompanya mo, kolorum naman pala!
Pumapalag ka pa, kompanya mo, kolorum naman pala!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MARAMI talagang mga demonyong nakawala at gumagala sa lupa. Ito ‘yung mga walang puso at abusadong employer na ang habol lang ay kumita. Mga boss, biruin n’yo. Halos maubos ang daliri ng empleyado dahil sa katangahan at kapa­bayaan ng kompanya. Pagkatapos ay katiting lang ang tulong na pinaabot.

Ito ang reklamo ng dating machine operator ng Plasticon Incoporated. Galit na galit ang ginang dahil binabalewala lang siya ng kompanya. Ang gusto pa yata ay lumuhod bago makatikim ng “grasya.”

Naputol ang kanyang apat na daliri ng gamit niyang makina. Ilang beses na raw ito inirereklamo ng mga trabahador pero nagtaingang kawali lang ang Plasticon. Naghintay pa ng aksidente bago gumalaw. At ito na nga, mayroong nadisgrasya.

Naospital at naipagamot naman ang biktima. Pero pagkatapos nun, naging multo na ang kompanya. Hirap ang ginang dahil single parent na nga, nagkaroon pa ng disability. Humi­hingi siya ng danyos sa kumpanya na P200,000. Dahil barat at sakim ang Plasticon, pakapalan ng mukha ang ending.

Sumangguni kami sa mga eksperto kung ano ang nararapat na makuha ng biktima. Ang aming resident lawyer at ang National Labor Relations Commission (NLRC) na ang nagsabi, dapat ay may kaukulang bayad sa ginang. Bukod pa ito sa kabayaran dahil sadyang nagpabaya ang kompanya. Maiiwasan sana ang aksidente, pero mas pinili nilang maging inutil. Dagdag pa ang bayad sa mental damages na natamo ng biktima.

Malas ng Plasticon, sa sumbungan ng bayan tumakbo ang nagrereklamo. Nakalkal pa tuloy namin na hindi sila nagbabayad ng SSS. Eto na sana ang sagot sa problemang pinansiyal ng ginang dahil bawat daliri ay may katumbas na bayad sa tinatawag na “Employee’s Compensation Commission”. Kaso, hindi nga nagbabayad ang putok sa buhong kapalmuks na employer. Nang kausapin ko sa telepono, panay pa ang palusot ng bruha. Kesyo raw may kaso na sa NLRC at hindi raw siya puwedeng magsalita ng walang abogadong de kampanilya. May pangakngak-ngakngak pa itong “this is unfair Mr. Tulfo. How about my right?!”

Por diyos por santo, hoy Lorence Uy! Empleyado mo naputulan ng apat na daliri dahil sa kapabayaan mo bilang employer tapos ikaw pa itong nag-iisip bata riyan?

Mabilis lang naman kaming kausap sa BITAG-Kilos Pronto, kapag ayaw mong ayusin ang problema, eh di kami ang kikilos.

Kinabukasan, kasama ang BPLO ng Caloocan binisita namin ang kompanya. Mga ijo de kabron, wala pala itong business permit simula pa 2017. Eh di ayun, pinasara sila nang tuluyan ng pamahalaan ng Caloocan.

Palag pa more? Panoorin ang buong kuwento sa aming BITAG YouTube TV Channel @BITAG Official.

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with