Tatanggalan ng scholarship?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

SA paningin ng chairman ng National Youth Commission na si Ronald Cardema, bawal sa mga mag-aaral na magkritisismo sa gobyerno at kapag ginawa, dapat tanggalan ng scholarship. Nanawagan pa si Cardema sa ilang organisasyon sa mga paaralan na ipaalam sa gobyerno kung sinu-sino ang mga mag-aaral na kontra sa gobyerno at kasapi sa militanteng organisasyon. Agad siyang binatikos ng mga senador. Labag sa Konstitusyon ang nais niyang ipagawa kay President Duterte. Hindi rin iyon sinang-ayunan ni DOJ Sec. Menardo Guevarra. Labag daw sa “freedom of speech”. Inihayag naman ni Presidente Duterte mismo, na hindi dahilan para tanggalan ng scholarship ang ma­ging kritiko ng gobyerno. Alam nila na labag sa Konstitus­yon. Walang sumang-ayon sa mga  pahayag ni Cardema.  

Ito ang mahirap kapag hindi aral sa batas o sa Konstitus­yon ang inilalagay sa mga posisyon sa gobyerno. Kung anu-ano na lang ang ilalabas na pahayag, para lang maging ma­lakas sa Presidente. Tandaan, dapat na ang perang nakalaan para sa scholar ay pera ng gobyerno, at hindi galing sa bulsa ng Presidente o ng mga opisyal. Tama ang panawagan na tanggalin na siya sa posisyon dahil hindi ang kapakanan ng mag-aaral ang inaalagaan. 

Nilinaw naman ni Cardema na ang dapat tanggalan ng scholarship ay ang mga mag-aaral na may kaugnayan sa NPA. Wala raw siyang sinabi na mga sumasali sa kilos-protesta ay dapat tanggalan. Bakit naglabas ng pahayag sina DOJ Sec. Guevarra at ang Palasyo kung ang tinutukoy niya ay mga may kaugnayan lang sa NPA? Una, mga guro ang nais ilista ng PNP kung sinu-sino ang miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Ngayon, ang nais namang tanggalan ng scholarship ay mga may kaugnayan sa NPA. Talagang nais hawakan na rin ang edukasyon. Tila mahirap nang mag-aral ngayon sa state universities and colleges kung babantayan ng gobyerno ang mga kilos.

RONALD CARDEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with