^

PSN Opinyon

Naku po, huwag naman sana

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MALAKI ang respeto ko kay Davao City Mayor Sara Du­terte. Bukod sa nababasa at naririnig ko bilib ako sa kanyang pamumuno sa Davao. At sa tingin ko magkaiba ang opinion nilang mag ama dahil hindi lahat ng gusto ni President Digong ay sinusunod ni Sara, may sariling paninindigan lalo sa usapin ng pulitika. Naka­pagtatag ng sariling partidong Hugpong ng Pagbabago na umaani ngayon ng malawak na popularidad.

Pero huwag sanang pag-isipan ang 2022 Presidential elections. Sara, hilaw ka pa! Ipaubaya muna ito sa mga pulitikong nakahawak ng matataas na puwesto sa gobyerno. Sa mga sipsip na nagsusulsol sa’yo muk­hang lumaki ang ulo mo. Huwag kang padadala sa mga sulsulerong adviser mo dahil may dalang pambo­bola ang mga ‘yan. Marami pang pagkakataon, iwa­san mong lumundag mula mayor sa pagiging President ng bansa. Huwag mong gayahin ang iyong ama na nagpadala sa sulsol ng kapartido noon kaya napilitang lumahok sa Presidential elections. Kunsabagay napagtagumpayan niya sa kabila ng kanyang style kanto boy.

Sang-ayon ako sa sinabi ni VP Leni Robredo na ang pagiging Presidente ng bansa ay “destiny” ng isang tao. Kaya para sa akin namnamin mo muna ang pagiging mayor ng Davao City. Walang puwedeng maipintas sa’yo bilang isang mayor. Unti-untiin mong ipakilala ang iyong sarili sa buong bansa upang sa ganung paraan ka makilala ng mga tao hindi ‘yung kilala ka sa pagiging anak ni Digong. Kailangan ka pa ng iyong mga kaba­ba­yan sa Davao dahil madali kang lapitan, pro-poor ika nga.

Just keep your­ doing job well. Alam kong malakas ang iyong hatak sa tao pagdating ng oras ng pagde­desisyong tumakbo kang Presidente.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SARA DU­TERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with