^

PSN Opinyon

Kahit saan, kahit kailan?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY mungkahi si Senior Supt. Moises Villaceran ng Mandaluyong City Police Station, matapos ang pagpatay kay Jose Luis “Sel” Yulo sa EDSA noong Linggo. Ipagbawal na rin ang riding-in-tandem sa EDSA tulad ng ginawa sa Mandaluyong. Ayon kay Villaceran, magmula nang manungkulan siya noong 2016, walang insi­dente ng riding-in-tandem sa Mandaluyong. Hinihikayat niya rin ang ibang siyudad na tularan na rin ang ordinansa, para maging balakid sa mga mamamatay-tao na gumagamit ng motorsiklo.

Lumikha na ang Eastern Police District ng Special Investigation Task Group (SITG) Yulo para mapabilis ang imbestigasyon. Hindi pa matukoy ang motibo ng pagpatay sa ngayon. Kasama na rin ang Criminal Inves­tigation and Detection Group (CIDG). Nagpahayag na rin si NCRPO chief Director Guillermo Eleazar na nabawasan ng 53 porsyento ang mga krimen kung saan sangkot ang paggamit ng motorsiklo noong 2018 kumpara sa 2017.

Pero ano naman ang saysay ng mga numerong iyan kung biktima ka? Ang tanong, paano nangyari ang ga­nitong pamamaril sa EDSA pa mismo, sa kali­wana­gan ng araw? Hindi ito naganap sa isang maliit na kal­sada. May mga nakapagsabi sa akin na may nakitang lalaking naglalakad sa EDSA na suot pa ang helmet. Panay pa ang lingon sa kanyang likuran na tila may binabantayan. Hindi pa raw nila alam na may naganap nang pamamaril, kaya nagtaka lang sila kung bakit naglalakad lang sa EDSA. Kung ito ang namaril kay Yulo, parang walang takot na maglakad lang sa EDSA, na tila walang nangyari. Bakit kaya? Ganyan na ba kalakas ang loob ng mga mamamatay-tao ngayon? Ganyan na ba kadali pumatay ng tao, kahit saan, kahit kailan?

Sana mapabilis ang imbestigasyon sa krimeng ito. Paano maipagmamalaki ng PNP ang pagbagsak umano ng bilang ng mga adik sa lansangan, kung tila walang takot na pumatay naman sa EDSA ng ganitong oras? Iyan din ang dapat ilabas ng PNP. Tumaas ba ang mga krimen tulad nito, na walang kaugnayan sa iligal na droga? Hindi lang iligal na droga ang krimen sa lipunan.

vuukle comment

JOSE LUIS “SEL” YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with