Pulitikong epal huwag iboto
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

MUKHANG mahirap alisin ang nakamihasnan nang uga­ling epal ng mga pulitiko. Kapag Pasko at Bagong Taon, Valentines Day o kahit anong okasyon, gagawa sila ng mga posters na taglay ang kanilang retrato para bumati. 

Pati yung mga nakapasa sa board o licensure exam ay binabati basta maipakita lang ng publiko ang kanilang mukha. Ultimo nga yung pamilya ng mga namatayan ay pinagpapahayagan nila ng pakikiramay sa mga mala­laking tarpaulin. Grabe. Hindi na sinserong pakikiramay iyan kundi may ulterior political motive. Kakahiya!

Ito nga naman ay cheap way para matandaan sila ng mga botante. Nangyayari pa rin ito kahit mayroon nang Anti-Epal Law. At sa panahon ng eleksyon, lahat ng dinding poste at kahit anong available na espasyo ay dinidikitan ng kanilang campaign posters. 

Yung maraming pera, umuupa pa ng mga dambuha­lang billboards na sobra sa laking inawtorisahan ng Comelec. Tingin ko, napaka-unfair naman nito sa mga kandidatong karapat-dapat ngunit walang sapat na pera para ma­ngam­panya.

Sa ilalim ng itinakdang regulasyon, mayroon lamang mga designated areas na puwedeng pagdikitan ng campaign materials ang mga kandidato at hindi dapat lumagpas sa specified size ang mga posters.

Yaon sa Comelec, may 34 senatorial candidates ang talamak sa ganyang violation. Binigyan na raw ng ultimatum ang mga epal candidates na ito na kusang baklasin ang kanilang mga campaign posters.

In fairness madalas ay mga supporters ng kandidato ang nagkukusang maglagay ng poster para sa kanilang pambato. But that mustn’t excuse a candidate porke tungkulin niyang imonitor ang mga posibleng ilegal na poster na ikinakabit para sa kanya ng mga supporters.

2019 MIDTERM ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with