Massive rehab, dapat lang!
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

HANGGA’T hindi pa tag-ulan at tag-baha dapat linisin ng mga pa-bright, bright sa gobierno ang mga estero, imburnal at kanal. Hukayin, tanggalan ng mga burak at mga basura ang mga patay na ilog na namamaho kaya naman ang dumi at itim ng tubig.

Naghahanda na raw ang DPWH para kalaykayin ang Manila Bay at ang Navotas River para laliman at linisin ito?

Naku ha!

Dapat madaliin dahil baka abutan ng tag-ulan!

Alam naman ng madlang Pinoy ang dumi at baho ng Navotas River, Estero de Vitas d’yan sa Tondo at ang baybayin ng Manila Bay.

Sabi nga, sanay na sila  kaya hindi na bago sa madlang Pinoy ang mga ito.

Hindi na kailangan pang ipaliwanag sa madlang people  ang mga nabanggit  dahil kulay pa lang ng tubig at amoy nito alam na nila ang ibig sabihin. Hehehe!

Kung hindi pa si Boss Digong ang nag-utos na linisin at hakutin ang mga basura sa Manila Bay, tiyak hanggang ngayon wala pa ring pagbabago ito.

Si Imee Marcos at ang mga magni-niyog

NAG-AALALA si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, na maaaring lumubog sa kahirapan ang mga coconut farmers dahil ang umiiral na presyo ng kopra ay halos nakadapa na at mukhang malabong makabangon kaya naman ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ay pabagsak nang pabagsak.

“Sobrang baba ng presyo ng kopra, hindi na kayang mamuhay ng disente ang ating mga magsasaka,” sabi ni Marcos, na tumatakbong Senador ngayong midterm election.

Kaya naman hinimok ni Marcos ang pamahalaan na ilabas ang P180-billion ‘coco levy fund’ para makatulong na buhayin muli ang coconut industry at tulungang iligtas ang mga magni-niyog sa kanilang kasindak-sindak na sitwasyon.

Sabi ni Marcos, mahabang panahon na naghintay ang mga magsasaka upang makinabang sa mga benepisyo ng coco levy fund.

Ang agarang pagpapalabas ng coco levy fund ang ipinangako ni Boss Digong sa madlang Pinoy noong panahon ng kanyang unang 100 days sa Malacañang.

Ang datos mula sa PCA ay nagpakita ng average farm-gate price ng kopra na bumaba ng halos 60% mula sa P38.70 per kilo noong 2017,  bumagsak sa P15.52 per kilo noong 2018.

Nangangamba si Marcos sa mga magsasaka kapag hindi natulungan, tataas ang kahirapan sa mga probinsiya at ang farm gate price ay patuloy na babagsak.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

IMEE MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with