EDITORYAL - Magagastos na kandidato
(Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

BINABANTAAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidatong lumalabag sa paglalagay ng mga illegal campaign posters na bukod sa ikinakabit sa hindi designated na lugar ay ubod pa nang laki taliwas sa isinasaad ng batas. Mahaharap umano sa diskuwalipikasyon ang mga kandidato kaya ang babala ng Comelec, baklasin ang mga illegal na posters, streamers at tarpaulin para hindi maharap sa kaso.

Ang mga illegal campaign material na lang ba ang pagtutuunan ng pansin ng Comelec? Hindi ba nila haharapin ang mga kandidato na sobra-sobra na ang nagagastos bago pa man nagsimula ang election campaign noong nakaraang linggo. Tila ba bulag ang Comelec at hindi na nakikita ang mala­king paglabag na ito ng mga kandidato.

Sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), sobra-sobra na ang adverti­sing expenses ng mga senatorial candidates bago pa man nagsimula ang opisyal na kampanya.

Sa data na nakalap ng PCIJ, 18 sa 61 na kandidato para sa pagka-senador ang nakagastos na ng combined P2.4 billion sa print, radio, TV at iba pang outdoor advertisements mula Enero 2018 hanggang Enero 2019.

Ayon sa report, nangunguna sa may pinakama­laking gastos si Christopher “Bong” Go na nakagastos na umano ng P422.5 million. Si Go ay may net worth na P12.8 milyon batay sa kanyang 2017 statement of assets and liabilities and net worth (SALN).

Pumapangalawa naman si Imee Marcos na nakagastos na ng P413.2 milyon. Ang 2017 SALN ni Marcos­ ay P24.5 milyon lamang at may cash on hand na P2.5 milyon.

Sumunod na malaki na ang nagastos ay si Harry Roque na umabot na sa P174 million. Ang net worth ni Roque ay P98.97 milyon. Gayunman, umatras na si Roque sa kandidatura.

Ano ang gagawin ng Comelec sa mga kandidatong malalaki na ang nagagastos? Mahaharap kaya ang mga ito sa disqualification gaya nang laging­ ipinananakot? O wala lang at hahayaan na lang hanggang magkalimutan. Ang nakapangangamba ay kapag nanalo ang mga malalaki ang nagastos. Maaaring bawiin nila ang nagastos kapag naka­upo na.

COMMISSION ON ELECTIONS ILLEGAL CAMPAIGN POSTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with