^

PSN Opinyon

Manila Bay rehab: tatlong pagtuunan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TILA imposible ang inutos ni President Duterte na rehabili­tasyon ng Manila Bay. Sinimulan ng Department of Envi­ronment and Natural Resources sa ilang hotel sa harap ng dagat. Iniinspeksiyon ng Laguna Lake Development Authority ang 204 gusali sa gilid ng Pasig River. Binabalak ang relokasyon ng squatters sa Estero de San Antonio Abad, kung saan ang coliform ay 1.3 bilyon kada litro.

Pero sinasabi nila na sa Disyembre 2019 ay malalangu­yan na ang dagat. Nakakaduda tuloy kung malawakan ang gagawing rehab. Aba’y libu-libong sewage treatment plants ang itatatag sa mga gusali at subdivisions, milyun-milyong poso-negro ang dapat hukayin sa mga bahayan, at henerasyon ng maling pagbabasura ang dapat baguhin.

Tatlo ang dapat pagtuunan ng pansin, ani environment lawyer Tony Oposa: basura, sewage, at relokasyon.

Nais niyang dakilain ang mga pasimuno ng garbage se­gregation, composting, at recycling. Kilalanin ang mga naghihiwalay ng basa at tuyong basura, at nagpapatakbo ng materials recovery facilities. Sa gan’ung paraan, tutularan sila ng madla. Samantala, madaling mabibisto at mapaparusahan ang matitigas ang ulo na salaula.

Tungkulin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage­ System ang mga kanal. Pinangangasiwaan nito ang conces­sionaires na Manila Water at Maynilad Resources. Simula 1997 sumisingil sila ng sewerage fee, kasama ng buwanang singil sa customers. Dapat may sewage treatment plants sila para malinis na tubig lang ang aagos patungong Manila Bay. Tanungin sila, ani Oposa, kung bakit lumala ang bacteria level ng dagat mula isang milyon tungo sa 330 mil­yon units kada cubic meter.

Sa relokasyon, daan-daang ektarya ng idle lands ang pag-aari ng gobyerno. Maaring magtayo roon ng tenement housing na may sapat na mga plaza at sewerage. Sa loob dapat ng lungsod para hindi mapalayo ang mga manini­rahan sa kanilang hanapbuhay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVI­RONMENT AND NATURAL RESOURCES

MANILA BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with