^

PSN Opinyon

Dapat ipakita rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

IPINAGMAMALAKI ng PNP at administrasyon ang resulta ng pinakabagong pagsusuri ng SWS na nagsasabi na mas maraming mamamayan ang naniniwalang nabawasan ang mga adik sa kani-kanilang komunidad. Pati ang Palasyo ay natutuwa raw sa resulta, patunay na epektibo umano ang “drug war” ng administrasyon. May patutsada pa nga ang Palasyo sa mga kritiko ng administrasyon na huwag maging­ bulag, bobo sa resulta ng pagsusuri, at epektibo ng kanilang kampanya sa ilegal na droga.

Pero dapat ipakita rin ng PNP ang bilang ng mga pinapatay sa lansangan. Kung tila gaano kadali ngayon ang mga mamamatay-tao na makapatay. Noong Linggo ng hapon, sa EDSA pa man din, pinagbabaril ang sasakyan ng isang negosyante. Patay ang negosyante at ang kanyang drayber habang nasugatan naman ang isang ka­sama. Naganap ang krimen sa tapat ng isang ospital kaya may mga rumesponde sa insidente.

Kung talagang ligtas na ang lansangan dahil sa ipinagmamalaking pagbawas ng mga adik, bakit may mga ganitong patayan, sa kaliwanagan ng araw, sa EDSA pa man din? Parang walang takot mahuli ang mga mamamatay-tao. Bakit kaya? Sino ang mga ito? Alam ba nila ang kilos ng mga awtoridad kaya walang takot pumatay ng tao sa nasabing lugar at oras? At gun ban pa dahil sa election sa Mayo.

Hindi lang dapat tagumpay sa sinasabing kampanya sa ilegal na droga ang pinagmamalaki, kung tumataas naman ang bilang ng mga pinapatay din sa lansangan. Hindi lang naman iligal na droga ang krimen. Nawawala o napapatay nga ang mga adik, na libu-libo ang “nanlaban”daw, mga negosyante naman ang napapatay. Maniniwala ba tayo na ligtas na sa bansa? Maikukumpara na nga ba tayo sa Singapore, kung saan mababa ang bilang ng lahat ng krimen, hindi lang mga krimen na may kinalaman sa ilegal na droga? Sabi nga ng drayber ng taxi na nasakyan ko sa Singapore ilang taon nang nakalipas, “Low crime does not mean no crime”. Totoo.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with