^

PSN Opinyon

Law and order, priority ni Bato

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHIT sa pagiging private individual ay nananatiling pa rin na top priority ni retired PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa ang law and order. Naging masalimuot kasi ang kanyang katauhan noong PNP chief pa siya dahil sa iba’t-ibang krimen sa buong kapuluan na ang panguna­hing mitsa o dahilan ay ang pagkakalulong ng ilan nating mga kababayan sa droga.

At dahil sa implementor ang kapulisan at malaki ang tiwala sa kanya ni Pres. Rodrigo Duterte, naging masali­muot nga ang kanyang katauhan dahil sa mga operasyon ng mga kapulisan na may nalalagas sa mga pushers/users at maging ang mga high value target o sindikato sa droga. Bagama’t may ilang indibidwal na naging kritiko ni Bato sa kampanya kontra droga marami naman ang natuwa dahil nabawasan ang mga pusakal sa kalye.

Nagkaroon ng katahimikan sa walang tigil na operas­yon ng mga pulis kaya kahit sa gabi ay ligtas nang nakaka­pagbiyahe at nakakapagnegosyo ang ating mga kaba­bayan. Kaya ang nasimulan niya sa PNP ay nais niyang ipagpatuloy sa Senado kapag siya at nailuklok sa puwesto sa pamamagitan ng pagpanukala ng mga batas. Sinubukan ni Bato na pasukin ang mundo ng pulitika na ngayon ay kumakandidatong senador upang mas makatulong sa kampanya kontra droga ni Duterte.

Ayon kay Bato kung papalarin siyang manalo ay nais niyang magpanukala at magpasa ng mga batas na kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino. “Mag-concentrate ako rito sa aking cup of tea, na law and order kasi alam natin, economy will follow. Pag maganda ang peace and order ng isang bansa, susunod ang investment,” sabi ni Bato. Bilang dating PNP chief, nais ni Bato na ibaba ang “criminal age of responsibility” sa 15 to 12 years old.

Pero nais niyang makapagpatayo ng rehabilitation facilities para sa mga juvenile o mga kabataang nasasangkot sa krimen.  “Magkakaroon ng foreign investment, local investors. Mag-i-invest sila ng pera dahil confident sila. Kung may investment, may employment. Kapag may employment, may income ang tao.

Kapag may income, may makakain sa kanya-kanyang pamamahay so gaganda ang buhay ng tao ‘pag may laman ang tiyan,” pahayag ni Bato. Nais din niyang i-propose na irehistro ang “subscriber identification module (SIM) card at magkaroon ng regulasyon upang hindi magamit sa terorismo ang mga cell phone. Isusulong din niya ang kampanya sa lahat ng loose firearms sa bansa. Nag-sorry din si Bato sa pamilya ng mga “nasagasaan” nila sa kampanya kontra droga ng gobyerno noong siya pa ang PNP Chief.

Sa kabilang banda, nakakadama naman siya ng tuwa at ligaya sa tuwing nilalapitan siya ng marami na nagpapasalamat sa pinaigting na kampanya kontra droga ng pamahalaan. “May lalapit sa akin at yayakap at sasabihin, Sir, maraming salamat sa ginagawa mo. Malaki na po ang pagkakaiba ngayon.

Noon po takot na takot kami. Ngayon hindi na po kami takot, baliktad na. Noon, nagtatago kami sa loob ng bahay, ayaw naming lumabas sa kalsada. Ngayon baliktad na, kami na ang nasa kalsada. Ang mga addict na ang nagtatago sa bahay dahil baka makita ng pulis.”

Patunay lamang ito na ang legacy ni Bato sa PNP ay tinatamasa pa rin ngayon ng sambayanan. ‘Di ba mga suki?

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with