Gusto mo tahimik na buhay,  ‘wag kang tumakbo!
Gusto mo tahimik na buhay, ‘wag kang tumakbo!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MAGULO ang mundo ng pulitika. Para mo na ring sinira ang iyong buhay kapag pinasok ito. Kung hindi trapo ang ending mo, maisasakripisyo ang iyong prinsipyo.

Hindi matatahimik ang buhay mo, hindi dahil sa bigat ng trabaho kundi dahil sa kaliwa’t kanang paninira at pagbabanta.

Ito ang payo ko sa isang complainant na pumunta sa aming action center. Nagpatulong dahil mayroon daw naninira sa kanya.

Pinagkakalat na siya raw ay isang adik. Sa aming pag-iimbestiga, may balak pala siyang tumakbo sa pulitika. Hindi pa siya kumakandidato, naiputan na siya sa ulo.

Pinagtibay lang ng kuwento niya ang aking argumento. Tumatapak pa lang siya sa isang maruming larangan, mayroon na agad siyang kaaway.  

Paano na lang kung tumagal siya at mabangga ang mga pulitikong sira ulo? Baka isang araw, makakita na lang siya ng granada sa kanyang bakuran. O kaya naman ay ipatumba ng mga pulitikong kanyang babanggain.

Isa ito sa mga rason kung bakit ayaw ko sa pulitika. At saka hindi rin naman kasi purong public service ang larangan na ito.

May halong pansariling interes at puro papogi. Ang dami-dami ng tiwaling pulitiko ang nagkalat sa Senado’t Kongreso. Wala namang nagagawa, nakikinabang lang sa pera ng bayan.

‘Yung ibang mayor diyan. Puro papogi na lang sa media tuwing eleksyon. Hindi mo maintindihan kung may accomplishment pang nagagawa.

Mga boss, alam n’yo bang naisipan ko ring tumakbo noon? Mabuti na lang at natauhan ako. Hindi magandang ideya dahil sakit sa ulo lang ang dulot nito.   

Ito naman kasing nagrereklamo, kung kailan tumanda at saka nagkainteres sa pulitika. Kung kailan nasa “twilight’ years na siya. Wala sigurong magawa kaya kung anu-ano na ang naisip.

Paulit-ulit kong sinabi, mag-focus na lang siya sa pamilya. Take it from me na nanggaling na rin sa posisyon niya. Alagaan at asikasuhin ang apo niya… ‘wag na siyang makigulo sa mga pulitiko.  

COMELEC POLITICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with