Baka nakakalimutan naman
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

BINALAAN ni DILG Sec. Eduardo Año ang mga local government units (LGU) sa kapaligiran ng Manila Bay na hindi sumusunod sa mga alituntunin hinggil sa kalikasan. Sa kanilang imbestigasyon, 95 sa 178 siyudad at munisipalidad ang lumalabag sa mga alituntuning iyon. Nahaharap sila sa mga administratibong kaso kung hindi sila susunod, dagdag ni Año. Dalawa sa listahang ito ay nasa Metro Manila. Handa naman daw ang gobyerno na tulungan itong mga siyudad at munisipalidad. Ang interes naman ay ibalik ang dating kabantugan ng Manila Bay. Hindi naman pinangalanan ni Año ang mga hindi umano sumusunod.  

Pero sa kabila ng paghihigpit ng DILG at DENR hinggil sa rehabilitasyon ng Manila Bay, baka nakakalimutan nila ang 22 proyektong reklamasyon na pinaplano sa nasabing karagatan. Tatlo nga rito ay aprubado na, ang isang proyekto sa Pasay ay pinamumunuan umano ng taong malapit kay Pres. Rodrigo Duterte. Inamin pa nga ng isang opisyal ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na may epekto sa kalikasan ang mga proyektong ito. Hindi rin nilinaw kung ano ang mga sistemamg gagamitin para mabawasan daw ang mga masasamang epekto. Ang awtoridad naman sa PRA ay nilipat sa ilalim ng tanggapan ng Presidente.

Mabuti naman ang intensiyon ng lahat pag dating sa rehabilitasyon ng Manila Bay. Pero pag-aralan na muna nang mabuti kung mas malaki ang benepisyo ng mga proyektong reklamasyon sa pangkahabaang epekto sa kalikasan, at kung may tulong nga sa ekonomiya ng bansa. Hindi ko rin alam kung bakit inalis sa ilalim ng NEDA ang PRA, kung ang NEDA nga ang nag-aaral kung magiging matagumpay ang mga proyekto. Kinakatwiran na ang mga estabisimentong tinayo sa mga lupang nabawi sa Pasay ay nagdulot ng trabaho para sa libu-libong tao. Kung ganun, isa na namang casino ba ang pinaplanong itayo sa lupaing mababawi sa karagatan? Dahil wala akong maisip na iba pang negosyo na kukuha ng maraming tao, kundi hotel o casino. Kailangan pa ba ng isa pang casino?Akala ko ba ayaw ni Duterte ng mga casino? O sa Boracay lang iyon?

EDUARDO AñO MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with