Tigdas at dengue umatake sa maling panahon
Tigdas at dengue umatake sa maling panahon
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

HINDI pa man nasusugpo ang patuloy na paglobo ng mga batang nagkaroon ng tigdas heto na naman at umatake na ang mga lamok na may dalang dengue. Kung ating susuriin ay hindi napapanahon ang dalawang sakit na ito dahil ang tigdas ay tuwing tag-araw sa kalagitnaan ng abril at Mayo, itong dengue naman ay tuwing tag-ulan kung saan binabahayan ng lamok ang tubig na napabayaan nating na-stock sa ating kapaligiran.

Ako’y nababahala na sa mga pangyayari sa ating paligid. Ang dalawang sakit na umatake ngayon sa ating bansa kung hindi agad maagapan ang nagkaroon nito ay nakamamatay. Kaya tayo na mismong mga mamamayan ang magpasimuno sa kalinisan ng ating kapaligiran. Huwag na nating hintayin pang magkaroon ng epidemya bago tayo gumalaw. Linisin ang paligid na ating nasasakupan upang mailayo sa anumang sakit ang ating mga anak.

Siguro naman ay mulat sa mata ng Presidente at ng kongreso ang problema sa Department of Health. Sana’y matapunan man lang ng maganda-gandang budget ang naturang ahensiya. ‘Di natin masasabi ang mga sakit na dadapo sa ating mga kababayan at least kung malaki-laki ang budget ay hindi mahihirapang tulungan ang ating mga kababayan. Sa totoo lang maraming mga health centers na nauubusan ng gamot sa malalayong probinsiya. Dapat sila ang mga bigyang pansin ng gobyerno dahil malayo ang ospital.

Ngayong pirmado na ang budget, huwag naman sanang pagdamutan ang mga ahensiyang malapit sa tao tulad ng DOH at DA. Alam kong maraming nakatagong pork barrel sa budget ng pamahalaan. Naglalaway na parang asong ulol ang mga pulitikong gahaman sa pera. Kaya nga pursigidong mangampanya, sige ang pagtatapon ng pera dahil alam nila na  pag nahalal ay bawing-bawi ang mga gastos nila. Kaya huwag nang ibalik sa puwesto ang mga buwayang pulitiko.

DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with