Sinu-sino ang sakop kung ibalik ang ROTC
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2019 - 12:00am

NASA konstitusyon na tungkulin ng estado na ipag­tanggol­ ang kasarinlan at kaayusan ng bansa. Halimbawa, laban sa manlulupig, o kontra kriminalidad, at kapag may sakuna. Kaya maaaring sapilitang pagsilbihan ang mga ma­ma­mayan sa Sandatahang Lakas. Isang pa­raan dito ay ang pagsasanay sa mga nasa kolehiyo sa serbisyo militar, at paghahandang mamuno sa pamamagitan ng ROTC (Reserve Officers Training Corps).

Dati ay obligado ang lahat ng lalaki sa first at second-year college na mag-ROTC. Merong exemptions -- sa mga may hika, kapansanan, at flat-footed -- pero ‘yon ang pinagmumulan ng katiwalian. Nagpapasuhol ang opis­yal militar para i-exempt ang ayaw magupitan nang tsato, utus-utosan, at pagmartsahin sa ilalim ng ulan at araw.

Nu’ng 2003 pinatay ng opisyal ng militar ang cadet officer sa University of Santo Tomas na nagbunyag ng katiwalian. Dapat hinayaan ang pulis na lutasin ang krimen at ang Hudikatura na parusahan ang salarin. Pero nakialam si noo’y-President Gloria Macapagal Arroyo at ginawang optional na lang ang ROTC. Kumonti ang sumasapi -- karamihan pa’y mga babaeng pinahintulutan at nais mag-training.

Panukala ngayon ng Sandatahang Lakas na ibalik ang ROTC -- pero sa mga estudyante sa Grades 11 at 12, o high school. Hindi ‘yon epektibo. Labag sa batas at international agreements na isama sa military reserves ang mga menorde-edad. Kailangan ang mga nasa kolehiyo na edad-18 at mas matanda na.

May ibang panukala, suportado ngayon ni Speaker Arroyo­, na ibalik ang sapilitang ROTC sa first at second-year college. Hindi lang lalaki kundi pati babae. Wala nang exemption: maski persons with disability ay kasali; hindi man sila isama sa martsa ay tuturuan pa rin sila ng mga angkop na trabahong militar; halimbawa, communications, coding, signals, atbp. Sa gan’ung paraan, lahat ng nagkolehiyo ay maari ipatawag kung may manlulupig, gulo, o sakuna.

RESERVE OFFICERS TRAINING CORPS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with