^

PSN Opinyon

Maging matalino sa pagpili ng iboboto

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NANGANGAMOY na ang election kaya kanya-kanya nang pasiklab ang mga kandidato. Ibinalandra na nila kahapon ang kanilang mga mukha sa publiko. Ayan na naman lumalabas na naman ang kanilang matatamis na salita, mapupuntahan na naman nila ang mga lugar sa bansa na tuwing sasapit lang ng halalan nila nadadalaw. Papaikutin na naman nila tayo. Sa unang araw pa lamang nang pagpapakilala nila ay makikini-kinita kong mahigpit ang magiging labanan lalo na sa mga senador.

Siyempre natunghayan nating lahat na maraming bagong mukhang lumabas sa listahan. Ang iba riyan am­bisyoso lang. May lumang mukha at meron pa ring pinakalumang mukhang kumandidato. Ang masasabi ko lamang sa ating mga kababayan, ngayon nakita na nating­ lahat ang kanilang mga mukha, huwag sana tayong padadala sa matatamis nilang salita. Nakalulungkot lang dahil hindi talaga natin kayang hindi tanggapin ang pera ng mga pulitiko. Alam ko babaha ng pera ngayong halalan pero isipin din sana nating mga botante na ang perang ginastos ng mga pulitiko ay babawiin ‘yan kapag sila’y naka­luklok na sa puwesto.

Huwag na rin nating ibalik sa puwesto ang mga kandi­datong magnanakaw sa pera ng bayan. Ayaw man nilang aminin ang kanilang ginawa pero may lamat na ang kanilang mga pangalan. Ang sa akin lang, maaring oo at maari ring hindi sila nagnakaw pero upang maiwasan ulit na madu­ngisan ang inaalagaan nilang pangalan ay pahinga lang sila sa pulitika. Bigyan na lang nila ng pagkakataong manungkulan ang mga bagong mukhang kandidato.

Alalahanin sana nating lahat na sa ating mga kamay nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa at ng ating mga anak. Sya rin lang na mahirap nating tanggihan ang pera ng mga pulitiko ay tanggapin na lang natin ito at iboto natin ang kursunada nating mga kandidato.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with