Salamat Tita Midz
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

HINDI lamang ang industriya ng pelikulang Pilipino ang naulila sa pagpanaw ni Ginang Armida Siguion-Reyna. Buong bansa ang nakawawa ngayong hindi na natin makakapiling si Tita Midz.

Nakilala si Tita Midz dahil sa kanyang kontribusyon sa mundo ng entertainment bilang pinuno ng Movie and Tele­vision Review and Classification Board, prodyuser ng mga pelikula, artista sa mga box office na movie at TV drama. Sa larangan din ng pag-awit, itinuring siyang pa­ngu­nahing opera singer. Sa mga nakatatandang hene­rasyon, ang kanyang long-running na programa sa tele­bisyon na pinamagatang “Aawitan Kita” ay napakalaking naitulong upang manatili sa alaala ang mga awi­ting kundiman na nagpatatag at nagpatotoo sa ating kulturang Pilipino.

Kung kahit ito na lamang ang naiambag ng kanyang 88 years sa ibabaw ng mundo, masasabing napakalaki na ng iniwan niyang impluwensiya. Subalit mayroon pang mas mahalagang ipinamana sa atin si Armida Siguion-Reyna. Ito ay kung paano niya piniling mabuhay bilang isang anak, kapatid, asawa, ina, lola, kaibigan at mamamayan.

Matapang, mapusok, atrevida, tapat, pranka, siryoso, iilan lamang ito sa mga salitang naitawag kay Tita Midz. Sa mga nakakakilala at nagmamahal sa kanya, ang isang Armida ay hindi maaring maipaliwanag sa pamamagitan ng iilang salita. Subalit kung titingnan ang mga katagang karaniwang nagagamit, lulutang ang larawan ng isang Pili­pinong nangahas mabuhay ayon sa sarili niyang patakaran. Hindi nakibagay. Sa huli, siya ang binagayan. At hindi ito kawalan dahil hindi niya kinumpromiso ang kanyang sining, prinsipyo, pagkatao, pamilya at bansa. Sa lahat ng kanyang kapasidad, ang katotohanang itinanim ay siya ring katotohanang aanihin.

Kakaiba ang katulad niya. Tatatak ng malalim ang kanyang alaala.

Maraming salamat Tita Midz sa mga leksiyong inyong naipamana. Ang iyong halimbawa ay aming inspirasyon tungo sa pagiging mas mabuting Pilipino.

ARMIDA SIGUION-REYNA MOVIE AND TELE­VISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with