Kamay na bakal dapat para sa batas trapiko
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2019 - 12:00am

ANO ang problema sa isip ng Pilipino kaya hindi ito ma­pasunod sa batas trapiko at kortesiya sa kalsada? Masdan ang sitwasyon sa kalye nang 15 minuto, at hindi na ma­bibilang ang mga paglabag at kabastusan:

Merong kumakaskas at nagsi-zigzag sa lanes. Nagba­baba at nagsasakay ng pasahero sa gitna ng kalye. Idina­daan ang motorsiklo sa bangketa para umiwas sa trapik. Pumaparada kung saan bawal. Bumubusina at nagre-rev-up ng makina sa tapat ng korte, eskuwelahan, at ospital. Mausok at maingay ang tambutso. Humihinto sa ibabaw ng pedestrian lane o sa loob ng yellow box. Hindi magbigay sa mga lumiliko o sa bumbero, ambulansiya, at pulis. Nagmamaneho nang lasing, nakadroga, o inaantok. Nagti-text o nanonood ng video sa gadget habang nagmamaneho. Mabagal ang andar sa fast lane. Hindi nagsisindi ng ilaw at windshield wipers sa gabi o ulan. Madilim ang window tint. Nambu-bully ang malalaking sasakyan -- bus, truck -- sa maliliit. Maliit na sasakyan -- motorsiklo, tricycle -- na pa­singit-singit mula sa kanan. Jeepneys na may sakay sa bubong, bus na umaapaw ang pasahero sa estribo, habal-habal tricycle na mahigit lima ang sakay. School bus na walang marka. Colorum na jeepney, bus, taxi. Ride hai­ling (Grab) na labis ang singil, tumatanggi o hindi hinahatid ang pasahero. Public utility driver na naka-shorts, sando, at tsinelas lang. At marami pang iba.

Paulit-ulit ang paglabag at pambabastos sa kalsada dahil kulang sa pagpapatupad ng batas. ‘Yan ang sabi ni Engr. Bert Suansing, secretary general ng Philippine Global Road Safety Partnership at dating hepe ng Land Transport Office. Inehemplo niya na 301 ang nahuli na drunk driving sa Metro Manila nu’ng Enero-Agosto 2018. Tanong niya: kinasuhan ba sila, kinulong at minultahan? Kung nababalita na masaklap ang sinapit ng mga traffic­ violators, matatakot at titino ang mga nagmamaneho. Simple!

BATAS TRAPIKO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with