^

PSN Opinyon

Maaga pa para mangampanya

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man nagsisimula ang kampanyahan pero nagkalat na ang mga mukha ng kandidato kahit sang lugar at marami na ring ads sa mga telebisyon, di nga lang nila sinasabing iboto sila pero ang suma total noon ay nag­paparamdam na sa mga tao. Kaliwa’t kanan mga poster ang nakasabit sa lansangan lalo na siguro sa mga probinsiya. Nagbubulag-bulagan ba ang Comelec sa ganitong gawain ng mga kandidato? Bakit hindi nila kayang supilin samantalang meron namang nakatakdang araw na umpisa ng kampanyahan.

Ang mga kumakandidatong kasama sa teleserye lalo na ‘yung tumatakbo sa mataas na posisyon dapat tanggalin na sila magiging unfair naman kung ang iba ay nagbabayad ng TV ads. Para sa akin dagdag popularidad sa­pagkat karamihan sa ating mga kababayan ay laging nakadikit sa TV, lalo na yung mga kababayan natin sa pro­binsiya walang gaanong libangan kundi panonood ng teleserye. Malaki ang katipiran nila kumpara sa mga katunggaling nagbabayad ng advertisement.

Ayun sa SWS ang mga kandidatong nakasali sa mga teleserye ay malaking puntos ang nakukuha dahil­ huling-huli nila ang kiliti ng mga manonood nating kaba­bayan lalo na kung nakadikit sila sa bida. Bukod sa popularidad hindi na sila mahihirapang kumbinsihin ang mga botante. Dapat sana gawing anim na buwan bago election tanggalin na sila sa kanilang sinasalihan na teleserye. Akalain nyo halos gabi-gabi silang babad sa telebisyon. Hamon para sa Comelec ang suwayin ang mga kandidatong nag-uumpisa nang nagpapaskil ng mga mukha at maagang naglalagay ng ads sa TV. Lagyan ng ngipin ang Comelec.

Alam ko maraming mag-aalma at pag nagkataon magkakaroon ng problema sa korte dahil ang constitution ay pinapayagan na magkaroon ng “liberty of freedom and speech” na kasama ang teleserye at sinehan.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTION

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with