Payo kapag mainit  ang panahon
Payo kapag mainit ang panahon
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2019 - 12:00am

MAY mga kakaibang payo ako para malabanan ang init ng panahon. Lalo na sa mga may edad, kailangan­ nilang makaiwas sa heat stroke, high blood at iba pang sakit.

1. Kumain ng mga pagkaing magaan sa tiyan, tulad ng ensalada, gulay at prutas. Huwag kumain nang mara­ming karne na nagpapainit ng katawan. Kumain ng madalas pero pakonti-konti lamang.

2. Uminom ng malamig na inumin tulad ng halo-halo o malamig na tubig.

3. Habang may hawak na malamig na bottled water, itapat ito sa pulso ng iyong kamay. Mapapalamig nito ang dumadaloy na dugo.

4. Mag-ehersisyo lamang sa umaga o gabi kung saan hindi na gaanong mainit. Umiwas sa sikat ng araw mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

5. Takpan ang mga bintana sa iyong kuwarto para hindi pumasok ang sikat ng araw.

6. Buksan ang bintana sa banyo habang naliligo para pumasok ang hangin. Maghilamos nang madalas.

7. Isara ang mga electrical na kagamitan sa bahay na nagbibigay rin ng init, tulad ng bombilya, computer, laptop at telebisyon.

8. Piliin ang puting fluorescent light kaysa sa mas mainit na dilaw na bombilya.

9. Gumamit ng sapat na electric fan o air coolers.

10. Kung kayo ay may air condition, linisin ang filter­ ng madalas para makadaloy ang hangin. Takpan din ang mga butas sa paligid ng aircon para hindi pumasok ang mainit na hangin. Kapag nakatapat sa sikat ng araw ang iyong air condition, gawan ito ng takip o “bubong” sa labas ng bahay para maharang ang init ng araw. Nakababawas ito sa lamig ng air con.

11.  Magtanim ng puno sa paligid ng bahay. Ang mga halaman ay nagbibigay ng oxygen at nagpapababa rin ng temperatura sa paligid nito.

12.  At ang pangunahing lunas sa init at heat stroke ay ang pagpunta sa malamig na lugar, tulad ng mall o sinehan. Medyo mapapagastos ka nga lang pero giginhawa naman ang iyong pakiramdam. Mag-ingat po.

STROKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with