Malalaking balakid  sa Bangsamoro
Malalaking balakid sa Bangsamoro
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2019 - 12:00am

MADALING nanalo ang “yes” sa plebisito nu’ng Enero para sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao. Bukas magdaraos ng limitadong plebisito sa Lanao del Norte at North Cotabato para sa mga bayan at barrio na nais sumali sa mas ganap na awtonomiya. Matapos lumaban nang 40 taon para tumiwalag sa Republika, susubok naman ang Moro Islamic Liberation Front na mamahala. Pangunahin doon ang pangangasiwa sa likas na yaman at kabuhayan. Sa ilalim ng interim chief minister, magsisilbing ehekutibo at lehislatura ang 80 ka­sapi ng Bangsamoro Transition Authority. Tapos, ihahalal ang BARMM parliament sa Mayo 2022.

Ang mahirap ay “decommissioning” ng 20,000 armas ng MILF, at kasindaming mandirigma. Hindi basta bibitiwan ng isang manlalaban ang riple dahil sa hanapbuhay. Maski utusan sila ng pamunuan ng MILF, merong sari-sariling mahahabang armas ang mga ito. Mahihikayat lang silang magsoli ng armas kung may garantiya na hindi guguluhin ng “kapitbahay”. At ang kapitbahay na ‘yon ay ang breakaway ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, teroristang tulad ng Abu Sayyaf, bandidong tulad ng Pentagon Gang, at private armies ng mga pulitiko. Para mapanatili ang piyudal na paghahari, magkakaisa ang mga pulitiko para udyukan ng pera ang mga salbaheng grupo para guluhin ang mga kakandidatong MILF sa Mayo 2019.

Pero ang panapat sa mga tradisyonal na politiko ay repormistang Presidente. Kung nanaisin ni Rodrigo Duterte, madidisarmahan niya ang mga nagri-rido na mga angkan ng politiko. Kumbinsihin niya sila na patas ang patakaran. Lahat ng maiikling armas ay maaring lisensiyahan. Lahat ng mahahaba -- lalo na mga machineguns at mortars -- ay dapat isuko. Bawal magdala ng armas sa labas ng bahay. Kumpiskado ang baril at kulong ang may-ari ng sinumang lumabag. Kung mabatid ng mga pulitiko na walang makakalusot, susunod sila -- kaysa makalaboso.

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION F
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with