Kalat sa kalawakan paano sasamsamin?
Kalat sa kalawakan paano sasamsamin?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2019 - 12:00am

HINDI lang dagat at klima ang sinisikap linisin ng mundo, kundi pati kalawakan. Anim na dekada ng pagpapa­lipad ng spacecraft at satellites ay nag-iwan ng mga bahagi ng rockets atbp. kalat sa Earth orbits. Mahigit 750,000 piraso ng bakal, mahigit isang sentimetro ang lapad, ang lumilipad nang matulin at kayang magwasak ng satellites. Pati milyon-milyong tuklap na pintura ay kayang bu­mutas sa International Space Station. Nadudurog pa nang maliliit ang mga ito, kaya mahirap o hindi na kaya makita sa radar -- at lalo na ang mailagan. Nakakakilabot ang mga banggaan sa outer space, babala ng Economist magazine. Nu’ng 2009 binundol at pinulbos ng sirang­ Russian satellite ang isa pang pag-aari ng Iridium­ ng America. Ika ni William Shelton, dating hepe ng US Air Force Space Command, “Ang kalat sa kalawakan ay nagdadagdag pa ng kalat.”

Parami nang parami ang mga namamatay at nasisi­rang satellites -- mga wala nang fuel o nag-short circuit. Mahaharangan nito ang mga bagong paliliparin. Mara­ming taon, o siglo, bago bumagsak muli sa lupa ang mga kalat sa kalawakan. Maaring hindi na magamit ang maha­halagang orbits. Anang mga eksperto, malulutas ito kung makapag-aalis ng hanggang limang patay at sirang satellite kada taon.

Made-”de-orbit” ang kalat sa pagpabagal at pagliko nito patungo sa Earth, para lumagpak sa loob ng ilang linggo o buwan. Uubra pero masalimuot ang pagpabagal nang miski 100 metro lang kada segundo.

Nu’ng Setyembre mula sa spacecraft ng European Union ay nag-launch ng miniature satellite na hugis kahon. Gamit ang computer vision at laser rangefinder, linambat at ibinalik ito sa mother ship. Nitong Pebrero isa pang EU spacecraft ang susubok panain ng harpoon ang malaki-laking paneling para isabit sa nguso ng mother ship. Sa 2023 robotic arm naman ang susubukang pandampot ng isang buong sirang rocket. Tine-testing naman ng Japan ang higanteng kamay na magma-magnet at hahawak sa patay na satellite hanggang ligtas itong mailapag.

SPACECRAFT AND SATELLITES
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with