^

PSN Opinyon

Kaibigan ng UDM – Gary V.

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay kinukurot pa rin namin ang sarili sa Universidad de Manila (UDM). Tunay bang naganap ang mala-panaginip na karanasan kahapon nang ang isa sa pinaka-tinitingalang idolo sa kasaysayan ng sining ay nabisita sa mga estudyante ng Maynila? 

Mapalad ang mga iskolar ng Lungsod nang nakasama nila si Mr. Pure Energy, ang lsa sa iilang  may akda ng mga himig at tinig ng musika ng ating buhay – walang iba kung hindi si ginoong Gary Valenciano. Ang mga henerasyon ay pawang humahanga kay Gary sa kanyang husay ng pag-awit at pagsayaw. Hataw talaga ang performance. Timeless ang appeal ng kanyang mga kanta at istilo.

Subalit ang napakinggan ng pinagpalang mga kabataan kahapon ay ang kakaibang karanasan ni Gary. Nagulat kami sa pinagdaanan nitong katakut-takot na pagsubok sa buhay. Sa likod pala ng tagumpay ay isang mahabang litanya ng luha, pawis at dugo – sa kalusugan, sa pananalapi, sa mga personal na relasyon ng pamilya, atbp.

Ang mahalagang aral na mapupulot sa kanyang halimbawa ay hindi ito nagkulang sa pananalig sa may kapal, na hindi siya tatalikuran nito kahit pa gaano kabigat ang pasanin. 

Napatunayan namin kahapon na si Gary V ay hindi lang idolo sa entablado. Mas higit itong superstar sa pagkatao. Ang sinserong pakikipagpalitan ni Gary at ng mga estudyanteng abot langit ang pasasalamat na inaksayahan niya ng panahon – halos 4 hours! – ay isa na sa pinakamagandang nangyaring pagdalo ng pana­­uhin sa kasaysayan ng UDM. 

Madalas, ang mga malalaking bituin ay aabot lang sa lupa kapag bumabagsak at sumasadsad. Si Gary ay kusang bumaba, isinantabi ang maskara ng katanyagan at nakiisa sa amin bilang karaniwang tao. Sa ganitong kaparaanan, kaming lahat ay binuhat sa kanyang balikat at iniangat nang para na ring mga bituin. 

Hinding-hindi ka malilimutan Gary – ang iyong mga kaibigan sa Maynila ay laging makikiisa sa lahat ng iyong magandang simulain.

vuukle comment

GARY VALENCIANO.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with