Bansa nanganganib sa Gloria Arroyo charter change
Bansa nanganganib sa Gloria Arroyo charter change
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2019 - 12:00am

ISYU ngayong halalan ang Charter Change ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Dapat malantad ang panganib nito sa bayan. Pekeng reporma ito. Lalo lang pabubulukin nito ang sistemang pulitika.

Taliwas ang Arroyo cha-cha sa planong pagbago sa pederalismo ng presidential commission nina dating Chief Justice Reynato Puno at dating Senate President Aquilino Pimentel Jr. Sa halip, ito ang mga saad:

• Matagal umano ang pagbago sa pederalismo. Kaya bahala na lang daw ang Kongreso magpasa ng batas sa kada hangad ng isa o grupo ng probinsiya na maging fe­deral state. Sa madaling salita, pakitang tao lang ang pede­ralismo, sabi-sabi kumbaga, at hindi pangkalaha­tang shift.

• Ihahalal nang magka-partido ang Presidente at Bise Presidente. Apat na taon ang termino, maaari ma-reelect minsan sa apat pang taon.

• Ang mga senador, kongresista, at lokal na opisyales ay ihahalal sa terminong apat na taon. Wala nang limita kung ilang beses maaari i-reelect. One to sawa sila sa puwesto. Mamamayagpag ang political dynasts na kumokontrol sa ekonomiya -- kalakal, transportasyon, tu­rismo, land deve­lopment, paggawa ng kalye, pagtalaga sa gobyerno, at pulitika sa distrito, bayan, lungsod, o probinsiya.

• Wala sa Arroyo cha-cha ang probisyon ng Puno-Pimentel commission kontra sa dynasties.

• Wala sa Arroyo cha-cha ang probisyon ng commission kontra sa political turncoats o butterflies -- mga palipat-lipat ng partido.

• Meron pa rin ang Kongreso ng Commission on Appointments, taga-aproba ng mga itinatalaga sa Gabinete, 12 senador at 12 kongresista. Pero Speaker ang pinuno, imbes na Senate President tulad ngayon.

Ipipilit ng Kamara de Representantes ang Arroyo cha-cha simula Hulyo. Kung mga “tutang” senadores ang mahalal, sasali sila sa cha-cha.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

CHARTER CHANGE GLORIA MACAPAGAL ARROYO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with