EDITORYAL - Huwag kalimutan trahedya ng SAF 44
(Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2019 - 12:00am

APAT na taon na ang nakararaan mula nang maganap ang pagmasaker sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF). Subalit magpahanggang ngayon, wala pa ring closure sa malagim na pangyayari. Ang sakit na naramdaman ng mga kaanak ng SAF 44 ay maantak pa rin. Sariwa pa ang sugat at habang ginugunita ang ika-apat na anibersaryo, lalo nang umantak ang sugat. Isinisigaw nila ang katarungan para sa minasaker na SAF. Hanggang kailan daw sila maghihintay? Mayroon nang mga tao na sinampahan ng kaso noon, pero nasaan na raw ito ngayon?

Noon pa, sinabi ng Malacañang na ginagawa nila ang lahat ng paraan para makamit ng mga kaanak ang hustisya. Hindi raw nalilimutan ang kabayanihan ng 44 na miyembro ng SAF. Tiniyak ng pamahalaan na makakamit ng mga naulila ang hustisya.

Pero kailan ito makakamtan? Tanong pa ng mga kaanak, kung magkakaroon daw ba uli ng imbestigasyon ay may mahuhukay nang katotohanan? Mayroon na bang malalaman sa totoong nangyari?

Sa imbestigasyon ng Senado noong 2017, nagturuan ang military general at mga dating opisyal ng Philippine National Police na may kinalaman sa “Oplan Exodus”. Itinuturo ng military general ang dating hepe ng Special Action Force na hindi naki­pag-coordinate sa kanila kaya hindi nabigyan o napadalhan ng tulong habang nakikipagbakbakan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Pero itinanggi iyon ng dating hepe, maaga pa lamang ay humingi na siya ng artillery support sa AFP. Pero walang duma­ting na tulong. Dahil hindi nasaklolohan, nalagas ang 44 na miyembro ng SAF. Ang 44 ang nagsilbing blocking force sa mga sumalakay sa kubo ng teroris­tang si Marwan. Napatay si Marwan.

Halos pitong oras na nakipaglaban ang SAF 44 sa MILF at BIFF pero walang tumulong sa mga ito. Hinayaang patayin ang mga police commandos. Isang malaking katanungan kung bakit hindi nasaklolohan ng AFP ang mga nasukol na SAF 44. Ano ang nangyari? Ito ang paulit-ulit na tanong ng mga naulila.

Hindi dapat malimutan ang trahedya ng SAF 44. Huwag hayaang mawala na lamang sa alaala ang kanilang kabayanihan.

SPECIAL ACTION FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with