Bakit nagiging kriminal ang bata? Bakit nagiging kriminal ang bata?
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

KAWIKAAN 22:6 “Ituro mo sa kabataan ang landas na tatahakin at sa kanyang pagtanda, hindi siya lilihis dito.”

Usap-usapan ang panukalang batas na ibaba sa edad na siyam na taong gulang ang age of criminal liability porke pabata raw nang pabata ang mga gumagawa ng krimen.

Hindi ako pabor. Ang menor-de-edad ay wala pang katatagan ang isip. Mabilis impluwensyahan ng ibang tao sa mabuti man o masama. Nasa yugto pa ito ng pag­pro­seso ng mga pang-unang kaalaman at hindi pa maka­paghusga kung ang gagawin ay tama o mali.

The sense of right or wrong starts at home. Kung masamang halimbawa ang nakikita ng bata sa mga magulang, malamang madidiskarel ang kanyang sentido ng tama o mali.

Kaya nga may mga magulang na dapat magturo ng kung ano ang tama at mali sa mga kabataan. Ang pa­aralan ay supportive lang ang papel sa paghubog sa karakter­ ng lumalaking bata. Ang konsentrasyon ng paaralan ay ang pagtuturo ng matematika, lenguahe at iba pang paksang-aralin na ‘di maituturo ng magulang.

Kung naliligaw ng landas ang bata na wala pa sa was­tong isip, dalawa ang puwedeng sisihin. Una, ang mga magulang na nagkukulang sa paggabay sa tamang landas sa kanilang mga supling at ang impluwensya ng kanilang sinasamahang barkada.

Pasok diyan ang magulang para subaybayan at alamin kung sino ang mga kaibigan ng anak upang iiwas ang mga ito sa masamang impluwensya. Kaya kung pari­wara ang anak at gumawa ng krimen, bakit ito papagdusahin? Lalong masisira ang kinabukasan nito at baka manatiling kriminal.

Two pronged approach ang nakikita kong sulusyon sa problema. Una, rehabilitasyon sa mga minors in conflict with the law, at prosecution sa mga magulang na nagkulang sa tamang pagdidisiplina sa kanilang mga anak.

AGE OF CRIMINAL LIABILITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with