^

PSN Opinyon

Patuloy ang debate

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

IPINASA na ng Mababang Kapulungan ang batas na magbababa ng edad ng pananagutan ng kriminalidad mula 15 taong gulang sa 9 na taong gulang. Nilinaw naman ng mambabatas na hindi isasama ang mga bata sa ordinaryong kulungan para sa mga matatanda, kundi sa isang “reformative institution” hanggang sa puwedeng ibalik na muli sa lipunan. Kapag hindi pa nagbago sa edad na labinwalong taong gulang, isasama na sa mga ordinaryong bilanggo.

Marami pang kundisyon ang nasabing batas, pero nga­yon pa lang ay mainit na ang debate hinggil sa isyung ito. Labag daw sa karapatan ng bata, at responsibilidad ng estado ang pangalagaan ang karapatang ito at magbigay ng proteksiyon sa mga bata. Ang mga dahilan kung bakit nauuwi sa kriminalidad ang mga bata tulad ng kahirapan, gutom, mga magugulong pamilya, ang dapat matukoy ng estado, at hindi ikulong na lang.

Aminado ako na may mga bata na gumagawa na ng krimen, pero mabansagan silang mga “kriminal” ay baka masyado para sa kanila ang matanggap, dahil iyan na ang sinasabi ng bagong batas. Hindi nga sila isinasama sa mga matatanda, pero kriminal na nga sila.

Kung tuluyang mapapasa ang batas – may iba’t ibang bersiyon kasi ang Senado – hindi ko alam kung tuluyang mapapatupad ang rehabilitasyon nila. Baka maaga magtanim ng sama ng loob sa lahat ang bata, at mas lalong malulong sa krimen. Ayon sa ilang tutol sa pagbaba ng edad, hindi pa alam ng bata kung tama o mali ang kanyang ginagawa, kaya hindi kulong at pagtatak na isang kriminal ang solusyon, kundi pagpapayo at rehabilitasyon.

Sa iba’t ibang bansa, hindi rin pare-pareho ang edad ng pananagutan, pero karamihan ay nasa 12 hanggang 18 taong gulang. Kapansin-pansin na ayon sa Wikipedia, 33 estado sa US ay walang itinakdang gulang ng pananagutan, kaya kahit sino ay puwedeng managot kapag gumawa ng krimen. Ang problema talaga sa karamihan ng mga bansa ay dapat parusahan bilang isang matanda ang batang nasangkot sa krimen, o kung may mas mahusay na solusyon para sa nagkasala. Patuloy ang debate.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with