^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Balik-taas na naman ang gas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Balik-taas na  naman ang gas

MULA nang pumasok ang 2019, tatlong beses nang nagtataas ng presyo ang petroleum pro­­ducts at sabi ng Department of Energy (DoE), ma­aari pang masundan sa susunod na linggo ang pagtataas. Resulta umano ito nang pagbabawas ng production ng oil-exporting countries. At isa lamang ang ibig sabihin nang muli na namang pagtataas ng gasolina at diesel, tataas din siyempre ang mga pangunahing bilihin. Susunod sa presyo ng gas ang prime commodities gaya ng sardinas, mantika, asukal, karne at isda. Gumagamit ng ga­so­lina sa pagdedeliber kaya apektado ang mga pangunahing pangangailangan.

Kahapon, sinabi ng isang transport group na nakikipagdayalog na sila sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maibalik sa P10 ang pasahe sa dyipni. Wala na umanong naiuuwi sa pamilya ang mga drayber ng jeepney dahil sa mga serye ng pagtataas ng diesel. Kailangan daw maibalik sa P10 ang pamasahe para hindi naman maging kawawa ang pamil­ya ng mga drayber.

Inaasahan na ang pagtataas ng gasolina, diesel at kerosene ngayong 2019 sapagkat ipinatutupad na ang ikalawang yugto ng excise tax alinsunod sa TRAIN law. Unang pinatupad ang excise tax sa petroleum products noong Enero 2018 kung saan P7.00 bawat litro ang pinataw sa gasolina; P2.50 sa diesel at P3.00 sa kerosene. Ngayong 2019, mas mataas ang excise tax sa bawat litro ng gasolina na pumapalo sa P9.00; P4.50 sa diesel at P5.00 sa kerosene.

Ano pang aasahan sa mataas na tax na pinapataw sa petroleum products kundi ang pagtaas nito at ang publiko ang labis na apektado. Noong nakaraang taon, malakas ang panawagan na suspendihin ang excise tax sa petroleum products pero, “nagtayngang kawali” ang pamahalaan. No­ong una, nagpahayag ang Presidente na payag siyang suspendihin ito pero hindi pumayag ang kanyang economic advisers. Hindi raw maaaring suspendihin sapagkat dito kinukuha ang pondo sa “Build, Build, Build” program.

Ano ngayon ang gagawin sa napipintong mga pagtaas ng gasolina at diesel? Dapat magkaroon ng pag-aaral ang mga adviser ng Presidente sa nangyayaring ito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

PETROLEUM PRO­­DUCTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with