US at China: Girian sa karagatan
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

NAKABABAHALA na ang opisyal na komunikasyong militar sa pagitan ng United States at China ay sa pamamagitan ng fax machine. Ibig sabihin ng paggamit nila ng lipas nang teknolohiya ay walang epektibong diyalogo ang mga sandatahang lakas ng dalawang bansa. Araw-araw naggigirian ang mga barko nila sa west Pacific, at naggigitgitan sa ere ang mga fighters. Kapwa umiiwas sa giyera, pero desidido silang pigilan ang isa’t isa. Kapag nagkabanggaan ang mga sasakyang pandigma, malamang lumala agad. Kapag may nasaktan o namatay, mauuwi sa malaking gulo ang silakbo ng damdamin ng mga utak-pulburang heneral at pulitiko. Miski kalituhan lang sa interpretasyon sa mga maneobra ng isa’t isa ay magniningas na ng di-kanais-nais. Basag ang relasyon ng dalawa dahil sa trade wars at hinala ng pang-eespiya. Kaya dapat sikaping bawasan ang peligro ng init-ulo bago pa lumala ang sitwasyon.

Sinisikap ng mga heneral ng US at China na magkapala­gayan-loob. Mas malimit na ang palitan nila ng estudyante sa military academies, bisita ng mga warships, at pulong-pulong ng opisyales. Pero ga-dagat pa rin ang pagitan nila. Mababaw lang ang mga interaksiyon. Nabubuwisit ang mga Amerikano sa mga katapat nilang opisyales na Tsino, kasi puro sa restoran at palabas ng kung fu lang sila dinadala imbis na totoong kampo militar. Samantala, inis din ang China. Binawi kasi ng US ang imbitasyon sa China na sumali sa huling Rim of the Pacific exercises ng halos 30 navies sa Hawaii kamakailan.

Hindi lang naman fax machines ang pang-komunikasyon ng dalawang militar. May channel, tinaguriang Defense Telephone Link, na itinatag mahigit isang dekada na noon. Kamakailan gumawa rin ng mas modernong video link sa pagitan ng chairman ng US joint chiefs of staff at katumbas nito sa China. Parehong hindi pa nasusubukang gamitin.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

FAX MACHINE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with