^

PSN Opinyon

Kahit 40 na si Pacman husay pa rin lumaban

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ZERO crime na naman ang buong bansa noong Linggo, araw ng laban ni Senator Manny Pacquiao. Patunay lamang ito na marami pa rin ang tumitingala sa kanyang galing sa boxing. Pinatunayan niya na kahit 40 anyos na hindi basta-basta matatalo. Ipinalasap niya ito kay Adrien “The Problem” Broner na bata sa kanya ng 11 taon.

* * *

Isinusulong ni House Speaker Gloria Arroyo na ibaba sa 9-anyos ang crime liability sa halip na 15 taon. Tapos na ang maliligayang araw ng mga teenagers oras na pumasa ang batas na ito. Kung sabagay halos lahat ngayon ng krimen ay kinasasangkutan ng mga kabataan dahil na rin sa sobrang kapabayaan ng kanilang mga magulang. Nananawagan ako sa mga magulang na arugain at disiplinahin ang inyong mga anak para hindi nila danasin ang lupit ng batas.

* * *

Umaani ngayon ng papuri si National Capital Region Police Office (NCRPO), Director Guillermo Eleazar dahil sa mahusay, masipag, magaling at buong pusong dedikasyon nito sa trabaho kaya napapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Metro Manila. Nagpapasalamat ang mga residente ng Metro Manila kay Eleazar dahil sa pagkakaroon ng mapayapang pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan noong Linggo, peaceful celebration ng fiesta ng Quiapo at Traslacion ng imahe ng Black Nazarene noong Enero 9, at matahimik na pagdiriwang ng Christmas season. Kitang-kita sa TV ang walang kapaguran na pagtutok ni Eleazar sa nagdaang malalaking okasyon na siya mismo ang nasa kalsada at nangunguna sa pangangasiwa ng kaayusan at katahimikan.

Lingid sa karamihan, noong December 20 at December  25, base sa intelligence reports na nakuha ng NCRPO ay na-huli at naaresto ang dalawang high ranking Abu Sayaff members na plano sanang maghasik ng sindak sa Metro Manila.

May impormasyon akong nakuha na ang mission ng dalawang Abu Sayaff ay magpalaganap ng terrorism sa Metro Manila noong Kapaskuhan hanggang Traslacion, pero minabuti  ni Eleazar na hindi na isiwalat ito sa publiko para huwag  matakot at mangamba ang publiko, bagkus ma-enjoy ng publiko pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Lalong ipinadama ni Eleazar na hindi natutulog at nagbabakasyon ang kapulisan lalo na ang mga intelligence operatives, para mapaigting pa ang serbisyong kapulisan para sa mga mamamayan. Kaya naman ang mga taga-Metro Manila, mataas ang papuri sa administrasyong ni Pres. Rodrigo Duterte dahil sa peace and order situation at sa crime prevention and crime solution ng NCRPO sa Metro Manila. Saludo ako at ang publiko Gen. Eleazar!

Pinupuri ko rin ang police district directors sa pangnguna ni Quezon City Police District  CSupt. Joselito Esquivel; Eastern Police District  CSupt. Bernabe Balba; Northern Police District CSupt. Rolando Anduyan at Southern Police District Eliseo Cruz dahil sa pagtutok sa kanilang mga tauhan upang maging alerto sa pagbibigay ng seguridad. Mabuhay kayo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with