Tanggal sa trabaho dahil buntis
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

(Unang bahagi)

ALINSUNOD sa RA 1052, isang mabigat na kasalanan ang imoralidad o kaya ay hindi disenteng pagkilos sa loob ng kompanya at sapat itong basehan para tanggalin sa trabaho ang isang empleyado. Ang malalaswang pagkilos o anumang makasalanan at bulgar na gawain ay itinuturing na imoral tulad ng pakikiapid at pakikipagrelasyon sa iba. Ito ang isyung sasagutin sa kaso ni Gladys. 

Nagtatrabaho si Gladys bilang HR sa isang institusyon na pinapatakbo ng simbahan. Pinamamahalaan nito ang isang ospital at isang kolehiyo. Boyfriend niya si Ben na dating kasamahan sa trabaho. Dahil sa kanilang pagtatalik ay nabuntis at naging dalagang-ina si Gladys. Nang malaman ito ng pamunuan ng institusyon ay sinuspinde siya sa trabaho na walang kasiguruhan kung kailan siya ibabalik.

Gumawa raw siya ng “serious misconduct” at nilabag ang Art. 282(a) ng Labor Code. Nang magpumilit siyang bumalik sa trabaho ay ayaw siyang tanggapin ng institusyon maliban kung magpakasal siya sa kanyang boyfriend.

Ayon sa pamunuan ng institusyon, siya bilang HR ang dapat maging halimbawa sa iba, kaya ang kanyang pakikipagtalik na walang basbas ng kasal na nagresulta sa kanyang pagbubuntis ay isang mabigat na kasalanan na mapaparusahan ng pagkatanggal sa trabaho sa ilalim ng patakaran ng institusyon at maituturing din na serious misconduct alinsunod sa Art. 282(a) ng Labor Code.

Nagsampa ng reklamo si Gladys sa NLRC laban sa institusyon sa ‘di makatarungang patakaran, sa illegal na pagkatanggal niya sa trabaho at sa hindi pagbabayad ng kanyang suweldo. Humingi rin siya ng danyos at tuloy maibalik sa trabaho. (Itutuloy)

RA 1052
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with