^

PSN Opinyon

D-day sa BOL

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NGAYON na ang araw ng plebisito sa Mindanao upang desisyunan kung pagtitibayin o ibabasura ng mga mamamayan ang panukalang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ang BOL ang magbibigay ng mas malawak na autonomia sa Mindanao at papalit sa umiiral na Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang nagkakaisang botong “yes” ng mga taga-Mindanao ang siyang maghuhudyat ng implementasyon ng batas na ito na sinasabing tutuldok sa matagal ng rebelyon ng mga Moro sa Mindanao. Mayroon pa ring tumututol sa batas na ito at matapos ang plebisito, malalaman natin kung ano ang nakalalamang: Ang mga pabor ba o ang mga tutol? Bilang isang taga-Luzon, wala akong personal na opinyon kaugnay nito na isang isyu’ng ang mga taga-Mindanao lang ang puwedeng magpasya. Demokrasya tayo at dapat mangibabaw ang desisyon ng higit na nakararami.

Para kay Presidente Duterte, napaka-importante ng batas na ito na aniya’y magbibigay sa totoo at pangmatagalang  kapayapaan sa rehiyon.  Upang ipakita ang determinasyong mapagtibay ang batas, pabiro pa ngang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Cotabato City na hindi na siya dadalaw sa naturang lungsod kapag natalo ang BOL doon. Pabiro ngunit nagpapahiwatig ng marubdob na pagnanasa ng Pangulo na mabigyan ng totoong autonomia o kapamahalaan ang Mindanao na hindi naibigay ng ARMM.

Sana nga ay matamo ang kapayapaan sa rehiyon. Huwag sanang dumating ang araw na ang hingin naman ng mga Bangsamoro ay ganap na kalayaan lalo pa’t nasaksihan natin noon na sa kanilang pag-aaklas para sa kalayaan, sinusuportahan sila ng dayuhang bansa gaya ng Malaysia. Ayos lang kung autonomia pero ibang usapan kung kasarinlan ang hihingin. Mahal natin ang ating bansa at kailanman ay ‘di natin dapat payagang mahati.

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO

BANGSAMORO ORGANIC LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with