^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag gawing legal ang ‘Angkas’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag gawing legal ang �Angkas�

MARAMING pulitiko ang nagsusulong na ga­wing legal ang operasyon ng motorcycle taxi o “Angkas’’. Inuutusan ng mga mambabatas ang Department of Transportation (DOTr) na i-regulate na ang operasyon ng “Angkas”. Sa madaling sabi, gusto na nilang gawing public utility vehicle ang “Angkas’’. Sabi pa ng mga mambabatas, ligtas naman daw, mabilis at abot-kaya ng pasahero ang “Angkas” kaya wala nang dahilan para ito pigilan na makayaot sa maraming lugar sa Metro Manila. Kung ano raw ang ginawang pagpayag ng DOTr sa mga Transport Network Vehicle Center (TNVS) dapat ganito rin ang gawin sa “Angkas”. Sa kasalukuyan, may TRO ang “Angkas” na inisyu ng Supreme Court noong nakaraang taon.

Hindi dapat magpa-pressure ang DOTr sa mga mambabatas para payagang makapag-operate ang “Angkas”. Hindi dapat payagang makapag-operate at maging PUV ang “Angkas” sapagkat delikado ang buhay ng mga aangkas. Sa report, ka­ramihan ng mga naaaksidente araw-araw sa kalsada ay pawang mga naka-motorsiklo.

Kahapon, nagkaroon ng aksidente sa Maynila kung saan isang motorsiklo ang biglang nag-overtake sa ten-wheeler truck sa gawing kaliwa. Nahagip siya ng truck. Pumailalim ang motorsiklo at naipit ang driver nito. Namatay ang nagmomotorsiklo. Kamakalawa, namatay ang mag-amang magkaangkas sa motorsiklo sa Valenzuela City. Nag-overtake rin ito at nasalpok ng kasalubong na truck.

Ginagawang dahilan ng mga nagsusulong sa “Angkas” na kulang na kulang daw ang mga pam­pasaherong sasakyan kaya dapat payagan ito para may pagpilian ang mga pasahero. Ikinakatwiran din na mabilis silang nakararating sa patutunguhan kahit trapik kaya dapat aprubahan na ang “Angkas”.

Gusto ng mga mambabatas na gawing legal ang “Angkas”. Hindi yata nila alam na sa ilalim ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code, ang motorsiklo ay hindi maa­aring gamitin bilang public utility vehicle. Maliwanag ang batas na ito.

vuukle comment

ANGKAS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with