^

PSN Opinyon

Duterte drug war may humahanga rin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA kabila ng pagtutol ng maraming bansa sa ipinatutupad na marahas na pakikibaka ng administrasyon laban sa droga, may Ilan ding humahanga at ibig pang tularan ito.

Kasama sa mga bansang ito ang Sri Lanka na isa sa maraming bansa na talamak ang problema sa ipinagbabawal na gamot. Nang makipagkita kay President Duterte ang Pangulo ng bansang ito, sinabi niya na ga­gawin niyang modelo ang war on drugs strategy ng Pilipinas.

Sa pangkalahatan, mahigpit na tumututol ang United Nations sa sistemang ito ng gobyerno kontra sa droga dahil lumalabag umano sa karapatang pantao. Ngunit para kay Sri Lankan President Maithripala Sirisena, ang Duterte approach laban sa droga ay dapat gawing mo­delo ng daigdig. Wow! Nahihinuha natin kung gaano kalubha ang problema sa droga at hindi na kayang resolbahin ng ordinaryong pagpapatupad ng batas. Kaila­ngan nang mayroong mapatay upang ipakita ang ngipin at determinasyon ng pamahalaan na mapuksa nang tulu­yan ang problema.

Kaso, nananatili ang paniniwala ng marami na pa­wang maliliit na isda lamang ang nadaramay sa giye­rang ito na ang ibang napapatay ay mga inosenteng ma­mamayan who probably were in the wrong place at the wrong time.

Samantala, habang kabi-kabila ang mga napapatay sa maigting na giyerang ito, talamak pa rin ang pagpupuslit ng tone-toneladang shabu sa bansa. Diyan natin nakikita ang depekto ng sistema. Habang maraming napapatay na users at maliliit na pushers, mukhang hindi natitinag ang mga big time drug syndicates at tuloy pa rin ang pamamayagpag.

Ang masaklap, ang droga ay isang pandaigdig na suliranin na sumasaklot sa buong sangkatauhan. Ayaw man nating mangyari, may madadamay na inosenteng tao sa bakbakang ito. Sana man lang, pagsikapan pa ng mga awtoridad na tanging mga sangkot lang sa krimen ang madadamay sa kampanya.

vuukle comment

DRUG WAR

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with