^

PSN Opinyon

Pabakunahan ang mga anak

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALANG kumpirmadong namatay dahil sa Dengvaxia. Ito ang pahayag ng DOH sa Senado, sa pagdinig ng budget ng ahensiya. Iba ang posisyon ng DOH sa Public Attorney’s Office (PAO), na panay ang bintang sa ba­kuna para sa pagkamatay ng higit isang daang bata. Ang isyu na ito ay higit isang taon na. Ganun pa man, naghaha­nap ako ng balita mula sa ibang bansa na inaprubahan na rin ang paggamit ng Dengvaxia. Wala akong ma­hanap na balita kung saan itinigil ang paggamit ng Dengvaxia, o kung may mga masasamang epekto sa mga nabigyan ng bakuna. Sa katunayan nga, inaprubahan ng European Medicines Agency’s Committee for Medicinal Products for Human Use (CHMP) ang bakuna para sa European Union. Nagbigay ng mga kundisyon para maging epektibo ang bakuna – para sa mga may edad 9 hanggang 45, at nagkaroon na ng dengue bago mabig­yan ng bakuna.

Ang takot na dulot ng isyu ng Dengvaxia ay nauwi sa takot sa lahat ng bakuna. Mga bakuna na mahalaga, lalo na sa bata. Sa Pakistan, may mga kaso pa rin ng polio­, na akala ng marami ay nawala na. Kaya mas lalong mahalaga na mabigyan ng bakuna ang mga bata. Kaila­ngan ng malawakang kampanya mula sa DOH para masa­bihan ang publiko na ligtas ang bakuna. Tinanggal din lang naman ng gobyerno ang Dengvaxia sa programa ng pabakuna, kaya wala na dapat pangambahan, kung ito nga ang dahilan. Hindi natin kailangan ng pagkalat ng mga sakit na maaaring mapigilan ng mga bakuna. 

Ang mga bakuna na kailangang mabigay sa mga sanggol o bata ay ang DTaP o Diphteria, Tetanus at Pertussis, MMR o Measles, Mumps, Rubella at OPV o Oral Poliovirus Vaccine. Kung kayang mabili, isama na rin ang bakuna para sa Hepatitis B. Tumaas ang bilang ng mga kaso ng tigdas nong nakaraang taon. Ang hinala ay dahil maraming natakot pabakunahan ang kanilang mga anak, dahil nga sa isyu ng Dengvaxia. Kaya huwag nang matakot sa mga bakuna na matagal namang aprubado ng WHO at ng DOH.

vuukle comment

DENGVAXIA VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with