Advance Security, ano ito?
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

PINAG-AARALAN ng pamunuan ng Manila International Airport Authority ang kapalpakan nang serbisyo ng Advance Security Agency sa mga naka-assigned nilang security guards sa NAIA Terminal 3.

 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang total strenght daw ng mga Advance security per shift ay 170 personnels.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang daily duty na pumasok ay 60 to 80 security guards only kaya karamihan sa mga sekyu ay straight ang duty na umaabot sa 36 hours duty at meron pang nag- 48 hrs duty? 

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Wala ng gamit ‘yun.. Marami pang puesto na walang sekyu.’ sabi ng kuwagong tsutsu.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami nang report ang Airport Police Division regarding dito kaso wala pa ring nangyayari

Bakit?

Masyado diumanong malakas ang may-ari sa management ng MIAA?

Bakit kaya?

Kulay ‘dilawan’ daw ang humahawak nito?

Ano ngayon ang kailangan gawin?

Ang ginawang solusyon ng mga pa bright, bright sa airport ang mga bagong graduate na APD personnel ang nilalagay sa puesto ng security guard na walang guardya.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, huwag matakot sa dilawan panahon na ngayon ng Duterte administration dahil kung hindi kaya at palpak tanggalin na ito sa NAIA.

Abangan.

• • • • • •

A.K.A  ‘Dennis pisngi’ ng BI - NAIA

NAGTATAKA ang mga immigration officers sa NAIA kung bakit up to now ay nasa airport pa si a.k.a Dennis pisngi, immigration official na binigyan ng 48 hours to explain ng bos­sing ng BI tungkol sa mga pinagsasabi nitong sa diumano’y katiwalian regarding sa usapin ng kitaan sa airport.

Ikinagulat ng mga immigration officers, ang mga pagbibida ni a.k.a Dennis pisngi dahil halos mga bago sila sa serbisyo at parang silang lahat umano ang mga inakusahan tungkol sa katiwalian kaya naman nasaktan ang mga ito.

Ika nga, ‘animal’ ka pisngi kasinungalingan ang mga pinagbibida nito.

Ayon sa mga nasaktan, ang alam nila si a.k.a. Dennis pisngi ang  tirador at nagpapalusot ng mga intsik sa NAIA para makarating sa US of A at iba pang countries.

Ika nga, bakit kami ang itinuturo?

Sabi nga, malaking kahihiyan sa bureau ang mga pinagsasabi ni Pisngi.

‘Bakit hindi ang pisngi niya ang tignan niya sa salaman at bakit kami ang tinitirya?’ sabi ng mga reklamadores.

Ano kaya ang aksyon ni BI Commissioner Jaime Morente sa ginawang papel ni alyas pisngi?

Abangan.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with