Bakit pati pagtiris ng pimple ay viral?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

MANIWALA kayo o hindi, merong online chat room tungkol sa pagtiris ng tagyawat, blackhead, pigsa, ingrown na kuko, at mga katulad na problema sa balat. Sa “r/popping­” subreddit, nagpapaskel ng video at retrato ang mga kasapi na nagtitiris sa sarili, asawa, kasintahan, kamag-anak, at best friend. “Hindi ko akalaing papalarin akong makapagtiris nang ganito” ang ipinamagat ng isa sa vi­deos. May mga mapanuportang sagot, tulad ng, “Malinis ang pagkakatiris mo, magaling ka miski baguhan.” Hindi sila kadiring sekta. Sinusundan ang mga posts nila sa YouTube. At mahigit 2.5 bilyon na ang nanood sa pagti­tiris sa channel ni dermatologist Sandra Lee.

 

Sinuri ng Economist magazine kung bakit talamak ang pagtitiris sa online. At sa panayam kay evolutionary psychologist Robin Dunbar, ang pagtitiris ay bahagi ng kalinisan sa katawan bukod sa pagiging ritwal. Hinalimbawa niya ang chimpanzees na nagtutungkab ng langib at dahon-dahon sa balat ng isa’t isa. Ganundin sa tao, kaya nagpapatiris sa doktor o facial care clinician. Pero ang nagtitirisan lang bilang ritwal ay mga malalapit sa isa’t isa, nagmamahalan, nagsusuyuan.

Hindi gaano napag-aaralan ang kaugalian. Nagulat si audioologist Rhys Barber sa biglang pagsikat ng YouTube channel niya nang mag-upload ng pagtanggal ng luga, na vinideo niya mula sa endoscope para sa mga kapwa technician sa tenga. “Hula ko, tila nare-relax ang mga nanonood na may solusyon pala sa humihinang pandinig o impeksiyon sa tenga. Kung saan-saan malalayong lugar nanggaling ang mga pasyente niya. At ganado pa malaman kung kelan ia-upload ni Barber ang pag­kalkal sa tenga nila.

Isa pang paliwanag sa kasikatan ng tiris-pigsa at tanggal luga ay ang pakiramdam ng tagumpay kapag makapanood ng tapos na misyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ONLINE CHAT
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with