A healthy nation starts with a healthy population
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

NAPAKADALING intindihin at di na kailangan pang Taga­lugin. Baka kumunot na naman ang noo at mag-nose bleed itong mga kaibigan ko lalo sa Senado dahil sa aking English.

 

Ang malusog na bansa, nag-uumpisa sa kalusugan ng mamamayan. Mga boss, kasama ba kayo sa sinasabi kong sobrang lusog, este malusog na mamamayan?

Kumusta ang mga baywang? Naglalakihan na ba mga waistline line n’yo at di na agad magkasya ang bagong pantalon?

Nagdaan lang ang Pasko at Bagong Taon, nagsisikipan na ba ang mga palda, polo at blouse n’yo? Baka ‘yung dating masasabing sexy, ngayon ay siksik na.

Baka sumobra na kayo sa timbang at hindi na angkop sa inyong tangkad. Overweight kung tawagin. At pag humarap tayo sa salamin… mala-burrito na sa pani­ngin. Nagsisikipan at nagpuputukan ang mga butones sa damit.

Kung pamilyar kayo sa burrito at kung papaano ito binabalot sa foil… baka ganun na ang itsura n’yo. Hindi na nga maganda sa paningin, di pa maganda sa kalusugan.

Kaliwa’t kanan ang lamon. Lalo na ang mga millen­nial, mahilig sa matatamis, maaalat at mamantikang pag­kain at inumin. Sasamahan pa ng masamang lifestyle. Yosi at alak tapos walang exercise. Patay kang bata ka!

Kung ikaw naman ay “thunders” at wala na ang edad mo sa kalendaryo, tapos ganito pa rin kasama ang iyong way of living, mag-isip-isip ka na. Diyan na maglalaba­san ang kung anu-anong karamdaman na puwede mong ikamatay pag di naagapan.

Bato-bato sa langit, ang tatamaan ‘wag sanang ma­gagalit. Ito’y public service, maituturing na All Points Bulletin mga boss.

Di kaya biro ang magkasakit; mamumulubi ka talaga sa gastusin. Kaya malaking tulong ang pagpapatupad ng VAT exemption sa mga gamot.

Lalo ngayon, isinusulong na tanggalan ng Value Added Tax o VAT ang mga medisina para sa sakit na cancer. Nauna na ‘yung mga maintenance medicines na tinatawag para sa altapresyon, Diabetes at sakit sa puso.

Bukod pa ito sa tinatawag na senior citizen’s discount na less 20% sa mga bayarin kung ikaw ay edad 60 pataas.

Harinawa maipatupad na agad ngayong termino ni Pres. Rodrigo Duterte. Kung tutuusin dapat dati pa ito ginawa noong mga nakaraan pang administrasyon.

Iba naman ang mga tinatawag na food supplement, hindi ito mga gamot na nakakagaling ng karamdaman.

Mga dagdag bitamina lamang ito para lumakas ang katawan at labanan ang sakit. Gaya na lang ng long-time sponsor-partner namin na King’s Herbal, matik silang nagbibigay ng 20% discount sa mga senior citizens.

Bumili lamang sa mga lehitimong business centers katulad ng DCMI sa Timog at sa mismong corporate office ng REH Manufacturing sa Novaliches. ‘Wag kayong magpapaniwala sa mga online shopping sites, madalas diyan maraming napepeke.

A healthy nation starts with a healthy population. Alagaan ang kalusugan para di dapuan ng mga karamdaman.

HEALTHY POPULATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with