National ID huwag tutulan
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2019 - 12:00am

TULOY na tuloy na raw ang implementasyon ng kontro­bersyal na National ID System. Matagal na itong tinututulan ng marami dahil pagsaklaw umano sa right to privacy. Ngunit iyan ang trend o kalakarang umiiral ngayon sa buong mundo. Alangan namang magpaiwanan tayo at magpakakulelat sa pag-asenso.

Sa tingin ko naman, ang mga tututol ay yung mga pugante ng batas at mga kriminal na nagkukubli sa kadi­liman. Ngunit para sa karamihan ng mamamayan, mala­king tulong ito dahil isang ID na lang ang kailangan para sa ating mga transaksyon. 

Mababawasan ang mga masalimuot na hassel na requirement sa mga transaksyon sa gobyerno tulad ng pagkuha ng passports o pag-apply sa trabaho. Puwedeng tumutol dito iyon lamang may criminal records at nagta­tago sa batas.

Kamakailan ay nagkaroon umano ng data breach sa pagkuha ng passport at may mga nangangamba na baka mangyari uli ito sa pagpapatupad ng National ID System.

Pero normal ang mga ganyang pangyayari sa cyber age na maagang namang naaaksyunan ng teknolohiya. Nagbabago ang daigdig at kung hindi makasabay ang bansa sa mga pangyayaring ito, mapag-iiwanan tayo.

Sabi ng Malacañang, wala nang atrasan sa implemen­tasyon ng batas na ito. Tama naman. Panahon pa ng admi­nistrasyong Cory Aquino ay panukala na ito pero hanggang ngayon ay hindi pa naipatutupad. Wala kasing  poli­tical will ang mga nagdaang gobyerno para sumalungat sa tinig ng maraming mamamayan.

Naniniwala ako sa demokrasya. Ngunit hindi palaging tama ang public opinion at madalas ay pumapalpak din. Kaya nga may gobyerno tayo upang magdesisyon sa mga aspetong hindi kayang desisyunan ng mamamayan.

NATIONAL ID SYSTEM PASSPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with