Babala sa airport sana seryosohin
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2019 - 12:00am

WALA raw dapat ikabahala sa U.S. travel warning na palpak ang security sa Manila International Airport, anang transport officials. Taliwas sa U.S. audit, dagdag pa nila, pasado umano ang MIA sa mga alituntunin ng International Civil Aviation Organization. Saad ‘yan ng DOTr Communications Office, Dis. 28, 2018.

Pero hindi malulutas sa yabang at pagkakaila ang problema. Kung pabayaan ito, mada-downgrade ang MIA sa Category-2 airport. Kung nagkataon, ibabawal ng U.S. ang mga dagdag na biyahe at destinasyon ng airlines sa pagitan ng dalawang bansa. Malamang sumunod ang Britain, European Union, Australia at New Zealand. Mapeperhuwisyo ang mga pasahero, maaantala ang mga kargamento. Ngayon pa nga lang, iniinspeksiyon na sa mga mauunlad na bansa ang mga bagahe ng pasahero na galing sa MIA. Naka-red list daw lahat ng biyahe mula ru’n dahil na nga sa kakulangan ng security.

Mayo 2018 pa lang nang simulang suriin ang MIA ng U.S. Transport Security Administration. Nu’ng Set. 2018 binigyan ang MIA ng 3 buwan para umayos. Nang hindi ito nagawa, naglabas ng travel warning ang U.S. Dept. of Homeland Security.

Binigyan ng hanggang Marso 2019 ang MIA para matupad ang mga hinihingi ng TSA at DHS. Kundi’y blacklisted na ang airport. Labing-anim lahat ito, kabilang ang dagdag na x-ray machines, walk-through metal detectors, at alarm systems; pagkapkap sa mga gumagamit ng MIA; at pagsasanay ng mga tauhan ng MIA Authority at Office of Transport Security sa ilalim ng DOTr.

Mas mahalaga, dapat maabot ng transport officials ang lebel ng kaalaman na hinahanap ng TSA. Kailangang silipin ng opisyales lahat nang kaluwagan, kabilang ang pamimigay ng VIP passes sa mga mambabatas at kung sinu-sino pang malalakas ang kapit sa DOTr-MIAA-OTS.

Masusubukan ngayon ang galing ng mga opisyales.

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with