Dalian trains sinigurado bang walang nakaka-cancer na abo?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2019 - 12:00am

ININSPEKSIYON ba kung may nakaka-cancer na asbestos sa anumang bahagi ng 48 bagon ng MRT-3 mula sa China? Naitatanong ‘yan dahil sa masamang reputasyon sa ibang bansa ng gumawa ng mga bagon, ang Dalian Locomotive and Rolling Stock Corp.

Kinamumuhian ang Dalian Corp. sa New Zealand. Kasi nu’ng 2014 nadiskubreng may asbestos sa pintura sa locomotives na kabibili lang ng KiwiRail, pambansang operator ng tren. Agad inalis sa serbisyo ang 40 bagong locomotives. Tinesting kung ang asbestos ay nakawasak sa kalusugan ng mga mekanikong taga-mentena. Inamin ng Dalian Corp. na gumamit ito ng chrysotile, o puting asbestos, sa sound-proofing compound na tinakpan ng pintura o tinago sa likod ng paneling.

Nu’ng naunang taon, nadiskubre rin ang abo ng chryso­tile sa 10 freight locomotives sa Australia na gawa ng China Southern Rail. Agad din inalis, binalot ng plastic, at ibinaon sa quicksand ang mga bagon. Bawal sa Australia ang magpasok ng anumang produktong may asbestos. Sa New Zealand bawal lang mag-import ng raw asbestos. Nagalit ang mga unyon ng manggagawa sa riles sa New Zealand at Australia sa kapabayaan ng managers nila sa pagkapuslit ng asbestos sa mga tren. Nagdudulot ng nakalulumpong mesothelioma at nakamamatay na lung cancer­ ang paglanghap ng asbestos.

Sa Pilipinas nagmamalaki ang Department of Transpor­tation na dalawa nang tren mula Dalian, o anim sa 48 bagon, ang pinatatakbo sa MRT-3. Wala naman silang maipakitang sertipikasyon ng maayos na pagpaandar, pag-testing, at inspeksiyon sa units. Nauna roon, sinabi ng Sumitomo ng Japan at ng TUV Rheinland ng Europe na palpak ang 48 bagon. Sablay o hindi subok ang 94 components ng bawat isa, kaya peligroso sa pasahero. Dapat daw isoli ito sa Dalian para ayusin.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

DALIAN CORP.
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with