Bawal uminom sa publikong lugar
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

BAWAL daw ang mga naka-unipormeng pulis at sundalo na uminom sa mga publikong lugar. Ito ang bagong utos ni President Duterte. May binugbog daw siyang pulis at sundalo na naospital dahil nagbarilan habang nakainom. Pinalabas umano ang doktor at binugbog ang dalawa. Kaya may karagdagang dahilan siguro para maospital.

Pero matagal na patakaran daw ito sa AFP, bago pa raw inilabas ni Duterte ang utos. Mahigpit daw na ipinagbabawal ng AFP ang mga sundalong uminom sa mga publikong lugar, lalo na kung nakauniporme. Ayon naman kay PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, bawal naman talaga ang mga taga-gobyerno, partikular mga nakaunipormeng pulis na uminom sa mga lugar na may “masamang reputasyon”.

Pero sino ang magbabantay sa lahat ng mga lugar na iyan? May tauhan pa ba ang PNP para bantayan lang ang kanilang mga tauhan? Kung hindi na ba naka-uniporme, puwede nang uminom sa mga “lugar”? At sinong pulis na hindi na naka-uniporme ang hindi nagdadala ng baril? Iniiwan ba nila ang kanilang baril sa mga sasakyan, o kaya bago makapasok sa mga sinasabing lugar? Kadalasan nalalaman na lang na pulis o sundalo kapag nagbarilan na. Hindi naman daw bawal uminom sa loob ng mga kampo, dahil kontrolado naman daw. Marami naman kayang umiinom sa loob ng kampo?

Tama lang itong bagong utos ni Duterte sa mga pulis at sundalo. Nag-iiba na ang pag-iisip ng tao kapag nakainom na. Pero minsan mas madaling magsabi o mag-utos lang, kaysa ipatupad. Sino ang magbabantay sa kanila? Sino ang pipigil sa kanilang gawin ang gusto nila? Sino ang pipigil sa kanilang makapasok sa mga sinasabing lugar, na kadalasan ay nasa ilalim din ng proteksyon ng mga tiwaling pulis. Sigurado ako hindi mapipigilan ng ordinaryong sibilyan ang pulis. Takot lang nila. 

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with