Alagaan ang mga guro
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

MAGANDANG balita ang sinabi ni Pres. Digong Duterte na isusunod na niyang itaas ang suweldo ng mga guro, tulad ng ginawa niya sa mga pulis at sundalo. Nararapat lamang dahil ang mga guro ay maituturing na mga bayani. Bukod tayong mga magulang sila ang pangalawang taong humuhubog sa kaisipan ng mga anak. Sila ay nagiging daan upang maabot ng mga anak ang tagumpay.

Kung ating iisipin hindi lang pagtuturo sa mga anak ang naitutulong nila. Sila ang nagpapasimuno ng maayos na halalan. Hindi biro ang trabaho ng mga ito sa tuwing may election. Nalalagay din sa alanganin ang kanilang mga buhay makapagsilbi lamang ng maayos sa ating pamahalaan. Ang iba ay nagbubuwis ng buhay para lamang maprotektahan ang trabahong iniatang sa kanila. Sa mga liblib na lugar may mga guro na umaakyat ng bundok, tumatawid ng mga ilog para lamang mapaboto ang mga kababayan, gayundin tuwing magtuturo sa mga bata.

Meron akong napanood sa TV Patrol nung isang gabi, tungkol sa gurong hinihila ng kanyang mga kapwa guro at mga estudyante ang kanyang wheel chair patungo sa paaralang kanyang pinagtuturuan. Lubak-lubak na daan hindi man lamang maipaayos ng local na pamahalaan. Dapat naman isama ng mga kandidato yan sa kanilang plataporma. Ayusin ang kalsada patungo sa mga paaralan. Bilang isang peryodista mas maigi bigyan ng atensiyon ang mga positibong balita imbes na patayan, droga, rape at nakawan.

Yan ang pambala ni Digong sa kanyang mga kalaban. Doble kung magbigay ng umentong sahod sa mga kawani ng gobyerno. Para sa akin tama naman kaysa nakawin ng mga buwayang pulitiko. Ibigay na lang sa mga taong nagsisilbi sa bayan. Hindi man perpekto ang ating presidente marunong naman siyang magmalasakit sa ating mga kababayan.

SALARY INCREASE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with