Bawal ang ebidensiya(Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

ANG pag-amin ng akusado sa krimen habang nasa ilalim ng imbestigasyon ng mga pulis ay tatanggapin basta ipinaalam sa kanya ang karapatan niyang manahimik at magkaroon ng sariling abogado na pinili niya. Ang pinakaimportante ay hindi siya ginamitan ng dahas o pananakot at kahit ano pang labag sa sarili niyang kagustuhan (Sec. 12, Art. III - Constitution). Ipinapalagay na kusang-loob ang ginawang pag-amin at kakatigan ng korte kung walang matibay na ebidensiya na pinilit lang siya na umamin sa krimen. Kung kusang-loob man na ginawa ang pag-amin, maari bang hindi pa rin ito tanggapin sa korte? Ang tanong na ito ay sasagutin sa kasong ito.

Ito ang kaso ni Alex na nakatapos lang ng ikaapat na baytang ng elementarya. Nagtatrabaho siyang delivery boy kay Aling Connie na ang negosyo ay pagtitinda ng mga manok. Isang umaga ay inutusan si Alex na magdala ng mga kinatay na manok kay Aling Fe na isang regular na suki. Bumalik si Alex bandang 10:20 ng umaga at inabot ang koleksiyon kay Aling Connie pagkatapos ay agad na umalis pauwi ng probinsiya dahil pupunta raw siya sa burol ng lolo niya. Pagkatapos ay nakatanggap ng tawag si Aling Connie mula kay Aling Fe. Ninakawan daw sila at pinatay pa ang dalawang katulong na sina Hilda at Myla.

Sumaklolo ang mga pulis sa ulat ni Aling Fe. Apat na pulis ang ipinadala sa pangunguna ni Lt. Villamor Valdez para imbestigahan ang kaso. Sinabihan sila ni Myrna, kapatid ni Alex, na si Alex ay nasa probinsiya pagkatapos umamin sa kanya na may ginawa raw na mali. Hinanap si Alex sa iba’t ibang probinsiya hanggang sa madakip at madala sa istasyon ng mga pulis. Ang isa pang akusado na si Bogs ay hindi pa nahuhuli. Positibong itinuro si Alex ni Nimfa na kapitbahay ni Connie. Gumawa ito ng salaysay at pinatunayan na nakita raw niya si Alex na duguan ang mga kamay at kasama si Bogs na tumatakbo naman sa hagdan.

Nang araw din na iyon, gumawa ng detalyadong pag-amin sa tagalog si Alex sa tulong ng kanyang abogado na nagkataon din na siyang hepe ng istasyon ng pulis na may hawak din ng isang kaso ng illegal recruitment. Sa kanyang pag-amin ay sinabi ni Alex na nag-umpisa siyang magtrabaho kay Aling Connie may tatlo o apat na buwan bago nangyari ang insidente. Si Aling Fe ay isa sa regular nilang suki at dinadalhan niya ng mga katay na manok tuwing umaga. Hinimok daw siya ni Bogs na nakawan si Aling Fe para makauwi sila sa probinsiya. Nang sumunod na araw ay nalaman nila na dalawa lang ang katulong ni Aling Fe sa bahay nito. Doon nila naisipan na gawin ang pagnanakaw. Tinakpan ni Bogs ang bibig ni Hilda para mapigilan ito sa pagsigaw pero sinubukan nitong tumakas. Kaya sinaksak siya ni Bogs at pinatay. Walang anuman nitong inabot ang kutsilyo kay Alex na pinatay naman ang mas batang katulong na si Myla. Pinaghatian nila ang ninakaw at nagkanya-kanyang uwi sa probinsiya. (Itutuloy)

JOSE C. SISON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with