Bakit mas mataas ang approval at trust rating ni Duterte?
DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

ITATANONG pa ba kung bakit nakakuha si President Duterte ng mas mataas na approval at trust rating sa last quarter ng 2018 ayon sa huling survey ng Pulse Asia?

Di hamak na nanatiling mataas at mas umangat pa nga ang approval at trust rating ni Duterte kahit kaliwa’t kanan ang batikos sa kanya dahil nga sa kanyang “irreverent mouth” na sa tingin ng marami ay kabastusan na nga.

Ang Presidente kasi ang klase ng tao na walang kiye­me at talagang sinasabi niya kung ano ang saloobin niya kesehoda pa kung sino ang masaktan.

Binabatikos ni Duterte kahit nga mga kasamahan niya sa pulitika, maging sa Executive Branch, kasama na ang mga taga-Commission on Audit.

Di rin siya nagpapatalo sa mga obispo ng Simbahang Katolika na ginagamit ang pulpit sa pag-atake sa kanya. 

At sa ganun ngang dahilan na mas nakaka-relate ang madlang Pilipino sa kanya dahil nilalabas niya ang galit. 

Hindi rin naitago ng Presidente ang inis sa corruption sa gobyerno na ikinatuwa naman ng taumbayan.

Siguro dahil nga kung anong panlalait o atake ang gawin ng kanyang mga critics at oposisyon, wala na ring epekto at mas lalong napamahal ang Presidente sa sambayanan kaya tumataas ang approval at trust rating niya.

Sa kabila ng lahat, siguro nga ngayon lang nakakakita ang mga Pilipino ng isang leader na hindi natitinag ang political will.

Kaya ganun na lang ang taas ng approval at trust rating ng Presidente.

DUTERTE APPROVAL AND TRUST RATING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with