^

PSN Opinyon

Eto na naman…

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

AKO’Y litung-lito na kay Pres. Digong Duterte. Matapos niyang sabihin na durugin na ang mga teroristang CPP-NPA, ayan mainit-init pa ang balitang ibig na naman niyang buksan ang peace talk para sa mga terorista. Ano ba ‘yan?

Dapat bilang lider ng bansa panindigan ang mga pinag­sasasabi niya. Tulad ng kanyang mga sinasabi tuwing nagtatalumpati siya pagkatapos ay pasisinungalingan lahat ng kanyang tagapagsalita ang sinasabi niya at ang paboritong bigkasin ay “joke only”.

Ito namang si Jose Maria Sison, nakakita na naman ng pagkakataon. Sang-ayon kuno siya sa sinabi ni Digong na muling buksan ang peace talk. Ang mahirap kay Digong at Joma, putak nang putak na animo’y mortal na magkaaway.

Dumating pa sa puntong naghamunan ng barilan. Pag nagkita kuno ay sasampalin pa nung isa, ‘yun pala paglipas ng kanilang mga galit ay peace talk ulit. Hindi kaya ginogoyo na lang tayo ng dalawang lider na ito?

Urong-sulong na lang tayo sa peace talk nakadepende sa mood ng dalawang lider. Ayon kay Joma, para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino. Bakit sila lang naman ang mga abusado sa ating bansa ‘di ba?

Kung nasa katinuan sanang pag-iisip ang mga tero­ristang NPA, hindi sana sila gumagamit ng dahas tuwing hindi sila napagbibigyan ng mga negosyante. Kung ma­aalala n’yo ilang gamit na naman sa pagmimina ang sinunog nila.

Kung talagang seryoso si Joma sa kanyang mga salita­, umuwi siya at dito buuin ang peace talk. Para hindi na gumastos ang gobyerno.

Para sa akin malabong magtagumpay ang peace talk na ‘yan dahil sa magkasalungat na paniniwala. Malay natin bukas o makalawa, bawiin ni Digong ang sinabi niya.

vuukle comment

JOSE MARIA SISON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with