^

PSN Opinyon

Tatak Bersamin

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG 2018 ang taon ng tatlong Chief Justice. Nag-um­pisa ang 2018 na si Ma. Lourdes P.A. Sereno ang nasa posisyon. Noong Agosto, matapos sipain si CJ Sereno ng sarili niyang Korte sa pamamagitan ng Quo Warranto, si Teresita de Castro ang hinirang na Chief. Dalawang buwan lamang si CJ de Castro hanggang pinalitan na rin siya ng kasalukuyang Punong Mahistradong si Lucas Bersamin.

Si CJ Bersamin ay hindi rin aabot ng isang taon ang panunungkulan. Sa Oktubre ng 2019 ay magreretiro na rin. Subalit sa maikling panahong itatagal bilang pinuno ng Hudikatura, sisiguruhin ni CJ Bersamin na malaki ang maitutulong niya sa institusyon at sa paghatid ng hustisya sa pinagsisilbihang publiko.

Ngayon pa lamang ay ramdam na ang pagkaseryoso ng CJ sa kanyang mga programa. Sa pagbukas ng taong 2019, ang kanyang unang mando ay purgahin ang mga hukuman ng mga huwes na nagbibigay ng masamang pangalan sa institusyon. At upang walang magkamali sa kanyang determinasyon, inatasan ang Office of the Court Administrator na umpisahan ang kampanya sa mismong lalawigan ng Abra, ang probinsiyang pinagmulan ng pamilyang Bersamin.

Ang panawagang linisin ang ranggo ng mga Hukom ay nakasanayan na nating marinig mula sa Pangulo o sa Kongreso. Sadyang ang mga kapwa departamento ng Pamahalaan ang dapat na nagbabantay sa isa’t isa upang maiwasan ang abuso. Kung kaya kapag ang pana­wagan ay mismong sa pamunuan ng Hudikatura manggaling, gaya ng ginawa ngayon ni CJ Bersamin, ito ay tanda ng sinsero at siryosong serbisyo na walang sina­santo. Ito ang serbisyong Tatak Bersamin. 

Bilang isang masugid na tagasubaybay sa ating mga Hukom, masasabi kong kakaiba ang ating maasahan sa panunungkulan ni Lucas Bersamin. Huwag maniwalang babandying bandying na lang ito hanggang sa pagretiro sa Oktubre. Kilala itong action man. Sa aking palagay, sa huling 10 buwan ng termino ni CJ, isang rebolusyon ng reporma ang kanyang maipapatupad, kasama ng kanyang Korteng 100% ang suporta sa kanyang mga panukala.

vuukle comment

LUCAS BERSAMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with