Magtagal pa kaya?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2019 - 12:00am

MAY nagaganap ngayong “shutdown” ng gobyerno sa United States. Magtatatlong linggo na itong “shutdown”, dahil hindi magkasundo ang mga mambabatas sa pagpondo ng pader na gustong ipatayo ni US President Trump sa Mexico sa halagang limang bilyong dolyar, para matigil na umano ang iligal na pagpasok sa US, na ayon kay Trump ay maraming kriminal lang ang nakakapasok.

Ang “shutdown” ay nagaganap kapag hindi magkasundo ang magkatunggali na partido hinggil sa budget ng gob­yerno. Kapag may shutdown, patuloy pa ring gumagana ang mga mahalagang ahensiya tulad ng militar, mga bumbero, mga nasa imigrasyon at border security, pero hindi sila mabibigyan ng sahod, dahil hindi nga inaprubahan ang budget ng gobyerno. Ang mga empleyado ng mga hindi gaano kahalagang ahensiya tulad ng mga nasa museo ay pinauuwi na muna na wala ring sahod.

Ang nagaganap ngayon sa US ay bahagyang shutdown lamang, dahil nabibigyan pa ng sahod ang militar at iba pang mahahalagang ahensiya. Pero higit 800,000 empleyado ng gobyerno ang pinauwi na lang. Hindi pa rin magkasundo ang mga mambabatas, dahil hindi puma­payag si Trump na mabawasan ang kanyang hinihingi para itayo ang pader.

Nagbanta si Trump na handa siyang isara ang gob­yerno ng ilang buwan, o taon, dahil kinakailangan. Ina­abangan ng buong mundo kung ano ang susunod na kilos ng gobyerno ni Trump.

Dito sa atin, hindi mangyayari iyan. Kahit may isyu nga­­yon hinggil sa mga isiningit umano sa budget, hindi magka­karoon ng shutdown, dahil mahalaga sa mga mambabatas, na karamihan ay kaalyado naman ni President Du­terte, ang pera. May isyu nga ngayon, pero ipapasa pa rin sigurado ang budget. Dito, kapag may banta na hindi makakatanggap ng sahod ang empleyado ng gobyerno, protesta at welga kaagad ang haharapin.

Hindi tulad ng mga empleyado ng US na iiling na lang at uuwi. Sa atin, kahit anong mangyari, makukuha ng mga mambabatas ang kanilang pera. Ewan ko lang kung kasali ang mga taga-oposisyon.  Wala silang numero para tapatan ang mga kaalyado ng administrasyon. 

DOLLAR DONALD TRUMP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with