^

PSN Opinyon

Iwasan ang pagiging joker

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAHIRAP nang tanggalin kay President Digong ang kanyang pagiging kanto boy. Mahirap siyang ikumpara sa iba’t ibang lider ng bansa na isang statesman. Pero sa ating mga Pinoy patok na patok ang kanyang inaasta. Kinakagat ng kanyang mga tagapakinig kahit napakababaw na kuwento. Sa katunayan, hagalpakan sa katatawa at ang iba nagpapalakpakan pa. Kahit na anong ibato niyang kuwento ang walang katapusang banat sa mga pari, kuwento ng kalaswaan at bida sa mga patayan ay wiling-wili pa ring makinig at magtawa ang mga nasa paligid niya.

Kaya masasabi kong maka-masa si Digong dahil ang kanyang mga kuwento ay madalas nating marinig sa mga tambay sa kanto. Tayo kasing mga Pilipino ay mababaw ang kaligayahan, kahit mababaw ang kuwento at hagalpakan na sa katatawa ang mga tagapakinig. Marami kasing walang trabaho kaya madalas maraming tambay sa kanto. Ang iba ay nag-iinuman ng alak at pag may tama na papasok ang “green jokes”.

Dahil sa matalim na dila ni Digong ay nakakakita ng butas ang kanyang mga kritiko. Una na riyan si Sen. Antonio Trillanes at mga pari. Kita n’yo naman kahit sa homily ng simbahan ay binabatikos siya. Ganyan lang ‘yan batuhan ng mga salita. Kung walang mamamagitan sa Presidente at simbahan ay malabong magkaayos ang mga ‘yan.

Ang mahirap kasi kay Digong tuwing magtatalumpati ay hindi maialis ang pagmumura at may naisisingit na kuwento. Kawawa naman si presidential spokesman Salvador Panelo. Kandautal-utal sa pagsasalita, hindi alam ang gagawin kung paano ipagtatanggol ang kanyang boss. Siyempre ‘yan ang trabaho niya. Paano nasabi ni Panelo na kathang isip lang ang kuwento ni Digong tungkol sa kasambahay?

Ngayong 2019, matuto na sanang sumunod si Digong sa kanyang mga speech writer at bawasan na rin ang pagiging palabiro.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with