^

PSN Opinyon

Moro-moro raw

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA na ang imbestigasyon ng Kongreso sa mga anomalya sa budget ng gobyerno para sa 2019, partikular ang mga nakuhang proyekto ng CT Leoncio Cons­truction and Trading na bilyun-bilyong piso ang halaga. Iniimbestigahan ang koneksyon ng kompanya ng mga pulitiko sa Sorsogon at Catanduanes, na may koneksiyon naman kay Budget Sec. Benjamin Diokno. Sa madaling salita, conflict of interest na naman ang iniimbes­tigahan.

Unang lumabas na tila pinapaboran ng Palasyo ang nasabing kompanya, dahil sa naungkat ng mga proyektong nakuha mula sa gobyerno. Lumabas naman ngayon ang pangalan ng Aremar Construction Corp., na pag-aari umano ng pamilyang Hamor ng Sorsogon. Ang anak ni Sorsogon Vice Gov. Ester Hamor ay asawa ng anak ni Diokno.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., kumukuha lang ng komisyon ang CT Leoncio mula sa Aremar Construction, kapag nabibigyan na ng mga malalaking proyekto. Sa madaling salita, kapag nabigay na sa CT Leoncio, siguro dahil nga mas “malakas” sa mga may kapangyarihan, ipapasa na lang sa Aremar at kukuha na lang ng komisyon.

Ganito rin daw ang ginagawa ng ibang mga kompanya. “Moro-moro” lang daw ang nagaganap. May ipinakita pa ngang deposito sa Aremar sa halagang higit P11 milyon para patunayan ang sistemang ginagawa.

Pero ayon kay Consolacion Leoncio, hindi naman daw niya kilala ang pamilyang Hamor ng Aremar, at ang kanyang “liaison” o katiwala ang nag-aayos ng lahat ng dokumento, na hindi raw niya lahat nababantayan. Lumapit lang daw ang Aremar para makisosyo at pumapayag naman daw siya.

Pero mahirap naman yata paniwalaan na hindi niya alam kung sino ang kasosyo niya sa milyun-milyon, o bilyong halaga ng proyekto. Kahit mga kilalang bilyonaryo ng bansa ay inaalam kung sino ang mga kasosyo nila. Paano pala kung wala namang kakayanan ang kasosyo, hindi ba? Pinatatawag na ngayon ng Kongreso ang “liaison” na ito para magpaliwanag.

Pero tulad nga ng sinabi ko, dahil puro mga kaalyado naman ng administrasyon ang iniimbestigahan, baka mauwi lang sa wala. Tulad niyan, hindi raw alam ng CT Leoncio kung sino ang mga kasosyo nila. Ano naman kaya ang paliwanag ng “liaison”? Hindi rin niya kilala ang pamilyang Hamor?

At kung kilala naman niya, hindi niya sinasabi kay Consolacion Leoncio, ang may-ari ng kompanya na mga pulitiko ang kasosyo? Hindi ba ito ang tinatawag na “due diligence”? Magtataas na lang tayo ng mga kilay o iiling na lang.        

vuukle comment

BENJAMIN DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with